Usap-usapn ngayon ang magandang balita na may gagamitin na umanong frequency ang ABS-CBN upang makabalik na sila sa pag-ere sa telebisyon.
Matatandaan na marami sa mga Kapamilya fans ang labis na nalulungkot nang maiulat na tuluyan nang nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at nang ibenta ng mga Lopez ang ilang mga ari-arian na ginagamit ng ABS-CBN kabilang na ang parte ng Pinoy Big Brother house.
Samantala, ayon sa mga naglabasang mga usap-usapan ngayon, masisilayan na ngayong taon ang panibagong ABS-CBN. May pagtatayuan umano ng bagong headquarters ng ABS-CBN Studios na pagmamay-ari pa rin ng mga Lopez.
Sa naganap na corporate Christmas party ng ABS-CBN, nagbitiw ng isang makahulugang mensahe ang CEO at President ng ABS-CBN Network na si Carlo Lopez Katigbak na nagbigay ng excitement at saya para sa lahat ng mga naniniwalang makakabalik rin sa ere ang ABS-CBN.
Ayon sa naging pahayag nito, magiging maganda para sa ABS-CBN ang taong 2024. Siniguro rin nito ang mas malakas at panibagong ABS-CBN ang matutunghayan ng mga empleyado at ng kanilang mga tagahanga.
Marami naman ang umasa na sana ay ang prangkisa o di kaya ay ang pagkakaroon ng frequency ng network ang pinapakahulugan ni Carlo Lopez Katigbak sa kanyng naging pahayag.
May mga usap-usapan naman na may nagaganap na umanong usapan sa pagitan ni Manny Villar at ilang mga executives ng ABS-CBN, marami ang naghinala na baka ay nag-uusap na ang dalawa sa maaring partnership sa pagitan ng ABS-CBN at AMBS para makabalik na sa free TV ang mga programa ng ABS-CBN.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Manny Villar ang bumili ng frequency na dating pagmamay-ari noon ng ABS-CBN.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!