Marami sa mga netizens at mga manonood ang napapatanong ngayon kung totoo nga ba ang isyung magsasara na sa isan TV network dahil sa pagkaka-bankcrupt.
Usap-usapan ngayon ang pagsasara ng CNN Philippines at kinakausap na umano nila ang kanilang mga empleyado na baka hindi na umano sila aabot sa susunod na buwan.
Naglalabasan na rin ngayon ang mga ulat na labis na umanong nalulugi ngayon ang kanilang kompanya kaya naman kailangan na umano nitong magsara at tapusin na ang kanilang mga programa.
Marami naman ang napapatanong kung paano na ang mga tagasubaybay ng The Final World ni Rico Hizon at ng The Source ni Pinky Web. Higit sa lahat, ano na ang mangyayari ngayon sa mga empleyado ng CNN na mawawalan ng trabaho.
Marami naman sa mga manonood ng Eat Bulaga ang napapatanong kung paano na ang pag-ere ng nasabing show sa CNN Philippines sa tuwing weekends.
May mga nagrerequest naman na baka maaring mag-online na lamang umano muna sila kagaya ng ginagawa ngayon ng ABS-CBN mula nang mawalan ang mga ito ng prangkisa.
Online na rin naman umano ang labanan ngayon at baka muling makabawi pa ang kanilang network.
Ang pagsasara sa nasabing network ay maaring magkahulugan na wala nang kakayanan ang network na bayaran ang kanilang mga utang at ang kanilang mga empleyado at wala na rin silang kakayanan na i-maintain ang kanilang assets.
Matatandaan na inamin naman noon ng CNN na bumagsak ang net profit ng nasabing network sa taong 2023. Ayon sa pagsisiwalat nila, kaunti na lamang umano ang kinita ng kanilang network mula January hanggang September noong 2023.
Bumagsak na rin umano ang mga kinita nila mula sa advertisements, ayon naman sa paliwanag ng kompanya na nagbawas umano ng gastos ang ilang mga advertiser dala na rin ng matinding inflation na naapektuhan ang kanilang mga consumers.
Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang CNN Philippines patungkol sa balitang ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!