Pansamantalang pinatitigil ng National Telecommunication Commission ang Sunshine Media Network International magmula ngayong January 23, 2024 habang gumugulong sa korte ang mga kaso ng paglabag nila.
Ayon sa Cease at desist order ng National Telecommunication Commission laban sa SMNI, kinukwestiyon nila ang patuloy na operasyon ng SMNI sa ilang programa nila sa kabila ng pagkakaroon nito ng mga suspension na nauna nang ipinalabas.
Nauna nang napatawan ng 50 day suspension ang SMNI noong December 19, 2023 dahil sa paglabag ng network sa mga terms at condition ng prangkisa nito. Binigyan naman ng National Telecommunication Commission ang SMNI ng 15 days para tumugon at ipaliwanag kung bakit nabigo silang sumunod sa terms and condition ng 30 days suspension order na maaring humantong sa kasong administrative.
Samantala, kasalukuyan naman umanong inaaral ng abogado ng SMNI na si Atty. Mark Tolentino ang gagawing hakbang kaugnay sa isyung ito.
Sa isang social media post ni Jay Sonza ipinahayag niya ang malungkot na balita patungkol sa indefinite suspension na natanggap ng SMNI.
"Katatapos nga lang ng 30 day suspension kamakalawa, nagpalabas ngayon-ngayon lamang ang NTC (National Telecommunications Commission)) ng isang Order to Cease and Desist Operations laban sa SMNI (Sonshine Media Network International) at Swara Sug Network Corporation."
Gustuhin man umano nilang ihatid via free to air television and radio ang mga makatotohanan balita at impormasyon, mapipilitan silang sumunod sa pag-uuto ng gobyerno.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagbabahagi nila ng impormasyon gamit ang mga NEW MEDIA Platform kagaya ng Youtube, Facebook, Instagram, TikTok, X (twitter), at iba pa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!