Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang batikang aktor na si Ian Veneracion dahil sa napakamahal at hindi makatarungan niyang talent fee para lamang sa iilang oras ng kanyang public appearance.
Nag-ugat ang lahat ng isyu sa isang Facebook post ng Director at Writer na si Ronaldo Carballo, kung saan ibinulgar niya kung magkano ang hinihinging talent fee ni Ian Veneracion sa dalawang oras na public appearance.
Pagdedetaye pa ni Ronaldo, naimbitahan umano si Ian Veneracion para sa isang event sa Tarlac Festival kung saan ang tanging gagawin lamang nito ay sumakay sa float at kumaway sa mga tao. Subalit, ikinagulat umano ng kakilala niyang talent coordinator ang idenimand na talent fee ng road manager ni Ian Veneracion.
Nagdemand umano ang aktor ng 500 000 pesos na talent fee para lamang sa dalawang oras ng parade at kung sakaling lalagpas sa dalawang oras ang parada ay kailangang magbayad na umano ng extra talent fee na 100 000 pesos kada oras.
Bukod pa rito, may mga kondisyon pa si Ian Veneracion bago sumampa sa float. Dapat umano ay siya lamang ang nasa iisang float at wala siyang makakasamang kung sino-sino. Kung may ibang artista ay dapat may sariling float ang mga ito.
Dapat rin umanong naka-fully paid na ang kanyang talent fee bago siya sasampa sa float at upon contract signing dapat ay nabayaran na ng producers si Ian Veneracion ng 50% sa kanyang hinihinging talent fee.
Ipinunto naman ni Ronaldo Carballo na wala namang problema sa Tarlac Festival organization ang hinihinging 500 000 pesos talent fee ni Ian Veneracion kahit pa napakamahal na nito ang hindi umano nagustuhan ng mga organizers ay ang kondisyun ni Ian Veneracion na kapag lumampas sa dalawang oras ang parada ay magdadagdag pa ng bayad na 100 000 pesos kada oras.
Natatakot umano ang mga organizers na bigla na lamang bumaba si Ian Veneracion sa float at iwan ang parada sakaling hindi pa ito matapos ng dalawang oras.lalo na't hindi naman nila kontrolado ang mga bagay na maaring makakapag-antala sa parade, napakamahal na rin umano ng hinihingi nitong 100 000 per hour talent fee na pandagdag sa 500 000.
Samantala, nang ipaalam umano ng talent coordinator sa road manager ang desisyon ng pamunuan ng Tarlac Festival na hindi na lamang nila kukunin si Ian Veneracion para sa nasabing event ay bigla na lamang umano pumyag si Ian Veneracion na tatapusin niya ang parade kahit ilang oras sa 500 000 talent fee.
Gayunpaman, tila huli na ang lahat dahil kinukontak na umano ng mga organizers si Piolo Pascual bilang pamalit kay Ian Veneracion.
Samantala, iginiit naman ni Ronaldo Carballo na OA na umano ang hinihinging talent fee ni Ian Veneracion para lamang sa isang public appearance lalo pa't wala naman umano siyang gagawin masyado.
Una pa umano niyang naisip na baka ay ang road manager lamang ni Ian Veneracion ang nagdemand ng malaking talent fee subalit, iginiit umano sa kanya ng talent coordinator na mismong kay Ian Veneracion mismo nanggaling ang nasabing kondisyon. Ibinunyag pa umano nito na talagang makwenta itong si Ian Veneracion sa oras.
Umani naman ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Ronaldo Carballo. Maging ang showbiz insider na si Ogie Diaz ay nagsasabi na karapatan naman umano ni Ian Veneracion na magdemand sa kung magkano ang kanyang woth. Bukod pa rito hindi naman umano basta-bastang artista si Ian Veneracion.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!