Kampo ng aktor na si Ian Veneracion pinag-aaralan nang sampahan ng kaso ang director at writer na si Ronaldo Carballo dahil sa pagsisiwalat nito sa half million talent fee ng aktor.
Pinag-uusapan na ngayon ng kampo ni Ian Veneracion ang mga kasong isasampa nila kay Ronaldo Carballo matapos nitong isiwalat sa publiko ang hinihinging talent fee ni Ian Veneracion.
Matatandaan na sa isang Facebook post isiniwalat ni Ronaldo Carballo ang pagkuha sana kay Ian Veneracion ng Local Government ng Tarlac para sa Tarlac Festival, subalit ng malaman umano nila ang demands at presyo ng talent fee na hinihingi ni Ian Veneracion ay nagbago na lamang ang kanilang isip.
Ayon sa pagsisiwalat ni Ronaldo Carballo sa kanyang Facebook post, humihingi umano ng ng kalahating milyon si Ian Veneracion para sa dalawang oras nitong public appearance sa Tarlac parade. Kung sakaling lalagpas umano sa dalawang oras ang parade ay magpapadagdag ito ng one hundred thousand pesos sa kada oras.
Bukod pa rito, ni-request rin umano ng aktor na mayroon siyang sariling float dahil ayaw nitong makasama sa iisang float ang kung sino-sinong tao.
Kung si Ronaldo ang tatanungin, napaka-OA umano ng demand ni Ian Veneracion dahil hindi naman umano siya binabayaran sa bawat araw ng taping niya sa mga pelikula ng mahigit one hundred thousand pesos sa bawat araw.
Pinabulaanan naman ito ng kampo ni Ian Veneracion at sinabing pinag-aaralan na nila kung anong legal action ang gagawin sa pagsisiwalat ni Ronaldo Carballo ng mga maling impormasyon na maaring ikasira umano ng showbiz career ng aktor.
Ayon pa sa management ni Ian Veneracion ang hakbang na ginawa nitong pagsasapubliko ng mga detalyeng hindi pa naman nito venirify sa kanila ay maaring pamamahiya umano sa aktor.
Hindi na rin umano ginalang ni Ronaldo Carballo ang confidentiality ng negosasyon sa pagitan sa kanila at sa local government unit ng Tarlac. Nilinaw din ng management ni Ian Veneracion na kailanman ay hindi sila humihingi ng karagdagangn talent fees para sa mga lumalabis na oras.
Sa kabilang banda, naglabas na ng pahayag si Ronaldo Carballo kung saan humingi siya ng paumanhin sa masamang naidulot ng kanyang post.
Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na deserve rin naman ni Ian Veneracion na humingi ng malaking talent fee dahil hindi naman siya baguhang aktor at hindi isang pucho-pucho. Nasa kliyente na umano kung handa silang magbayad makuha lamang ang serbisyo ng aktor.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!