Hindi pa man natatapos ang isang linggo ay pinuputakte na ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens at manonood ang panibagong title at logo ng Tahanang Pinasaya, ng TAPE Inc.
Matatandaan na noong sabado ay tuluyan nang binitiwan ng TAPE Incorporated ang pamagat at titulo ng Eat Bulaga na ngayon ay ginagamit na ng TVJ, pinalitan naman nila ang pamagat ng kanilang show ng Tahanang Pinakamasaya.
Nakuha umano nila ang titulong ito mula sa kanilang jingle at layunin na makapagbigay ng saya at pa-premyo sa publiko.
Samantala, may nakapansin naman na tila ginaya lamang nila ang logo sa isang project ng local government unit ng Quezon.
May mga nagsasabi pa na nagpaplano na umano ngayon ang kampo ng Quezon Governor na si Helen Tan na maghain ng reklamo laban sa TAPE Inc. dahil sa umano'y panggagaya ng mga ito sa logo design sa isa nilang programa na tinatawag nilang Byaheng Helen Tan.
Napansin umano nila ang pagkakatulad ng kanilang logo sa show ng Tahanang Pinakamasaya ng TAPE Inc. na kasalukuyang umiere sa GMA7.
Gayunpaman, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Quezon Provincial Government hinggil sa isyung ito.
Samantala, tila mayroon namang panibagong pasaring ang EAT Bulaga host na si Joey De Leon, laban sa TAPE Inc. patungkol sa ipinalit nilang pamagat sa kanilang show na dating Eat Bulaga.
Sa social media post ni Joey De Leon, makikitang may hawak siyang malaking lobster. Sa caption, ipinahayag niya na Eat Bulaga na! Tanghaling pinakamasarap.
Matatandaan na noong byernes ay inilabas ng Marikina Regional Trial Court ang kanilang desisyon na pumabor sa petisyong ng TVJ kung saan inutusan nila ang TAPE Inc. na itigil na ang paggamit sa titulo at logo ng Eat Bulaga sa kanilang show sa GMA Network.
Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang legal council ng Tahanang Pinakamasaya hinggil sa isyung pangungupya nila sa logo ng Quezon Government nais muna umano niyang makita ito bago ang lahat.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!