Nilinaw na ng pamunuan ng GMA network na wala silang kinalaman sa copyright infringement issue sa pagitan ng TAPE Incorporated at ng TVJ.
Sa inilabas na statement mula sa korte, napatunayan nila na nominal party lamang ang GMA7 sa naging issue ng dalawa patungkol sa totoong nagmamay-ari sa Eat Bulaga.
Nilinaw din ng korte na walang nilabag na copyright infringement ang GMA at wala rin itong kinalaman sa unfair competition dahil sinunod lamang ng nasabing network ang airtime partnership agreement nila ng TAPE Incorporated.
Dahil dito, hindi magbabayad ng penalties for damages ang TAPE Inc. laban sa TVJ. Nakasaad din sa nasabing pahayag na susunod lamang ang GMA sa direktiba na inilabas ng korte.
Samantala, marami namang mga haka-hakang naglabasan ngayon kung saan maari umanong ipalit sa timeslot ng dating Eat Bulaga ng TAPE Inc. na ngayon at Tahanang Pinakamasaya, ang It's Showtime sakaling hindi mabawi ng show ang ratings nila.
May mga naglabasan ding mga usapin na umano'y hindi na umano ire-renew ng ilang sponsors ang kanilang kontrata sa show ng mga Jalosjos ngayong hindi na dala nito ang pamagat na Eat Bulaga.
Ito'y sa kabila ng paniniwala ng mga fans nila na establish na ang kanilang show matapos ang ilang buwan nilang paggamit sa pamagat na Eat Bulaga.
Marami naman sa mga It's Showtime fans ang nasisiyahan sakaling malipat ang noontime show sa ngayo'y timeslot ng Tahanang Pinakamasaya dahil tiyak na lalong lalawak ang kanilang reach at mas marami ang makakapanood ng It's Showtime.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!