Nagbigay na ng kasagutan ang singer na si Janno Gibbs sa mga komento ng ilang mga netizens hinggil sa pagluluksa niya sa biglaang pagpanaw ng kanyang ama na si Ronaldo Valdez.
Marami sa mga netizens at mga tagahanga ng yumaong si Ronaldo Valdez ang pumupuna sa paraan ng pagdadalamhati at pagluluksa ng kanilang pamilya kasunod sa biglaang pagpanaw ni Ronaldo Valdez nito lamang December 2023.
Umaani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ng singer na si Janno Gibbs kasama ang kanyang pamilya sa isang bakasyon sa Japan kamakailan lamang.
Binati ng happy New Year ni Janno Gibbs ang kanyang mga followers kalakip ang nakangiting picture nila na habang ini-enjoy ang pagbabakasyon.
May isang netizens naman na tila hindi nagustuhan ang pagpopost na ito ni Janno Gibbs at ipinaalala pa sa singer na ang kamakailang pagpanaw ng kanyang ama.
Kaagad naman itong sinagot ni Janno Gibbs kung saan sinabi niya na alam niya at hindi niya nalilimutan ang masakit na sandali kung saan tuluyang namaalam sa kanila ang kanyang ama.
Ayon naman sa netizens, na nakikita umano niya sa mga post ng singer na tila hindi na umano ito nalulungkot gayung kapapanaw pa lamang ng ama nito.
Ipinunto pa ni Janno Gibbs na hindi maaring husgahan ang kanilang paraan ng pagluluksa dahil lamang sa mga ibinabahagi nilang social media post.
May ilang mga netizens naman na kumampi kay Janno Gibbs, ayon sa kanila, iba-iba naman ng coping mechanism ang bawat isa kaya hindi maaring husgahan ang isang tao dahil lamang sa isang social media post.
May ilan pang fans ni Janno ang nagsasabi na baka nakaplano na talaga at nakapagbook na sila ng flight papunta sa kanilang pagbabakasyon kaya naman hindi na nila ito makansela pa, biglaan rin naman ang pagkawala ni Ronaldo Valdez na maaring kasama pa nilang nagplano sa bakasyon.
Matatandaan na marami ang nagulat nang lumabas ang balita na natagpuan na lamang ng mga pulis ang wala nang buhay na katawan ni Ronaldo Valdez sa loob mismo ng kanilang tahanan nitong buwan ng December noong nakaraang taon.
May tama ito sa bandang leeg habang nasa kamay naman nito ang sariling baril, lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng mga kapulisan na sinadya ni Ronaldo na tapusin ang kanyang buhay dahil sa nararanasang labis na kalungkutan at depression matapos ang pagpapa-opera sa kanyang prostate cancer.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!