Matapos ang ilang buwang pananahimik ng aktres na si Kris Aquino sa kanyang Instagram account, ikinatuwa ngayon ng kanyang mga tagahanga ang pagbibigay nito ng update ngayon patungkol sa kanyang kalusugan.
Batay sa mga larawan na ipinahagi ni Kris Aquino sa kanyang post, marami ang nakapansin na muli na namang pumayat si Kris Aquino. Makikita rin sa kanyang ibinahaging update ang pagdalaw sa kanya nina Bela Padilla at Kim Chiu.
Makikita rin sa nasabing post ni Kris Aquino si Mark Leviste na ilang beses na niyang hiniwalayan. Ibinahagi rin ni Kris Aquino ang kanyang nararamdaman at ang kanyang pinagdaanang sakit mula sa kanyang mga karamdaman at sa kanyang treatment.
Inamin ni Kris Aquino na nitong nagdaang thanksgiving season, ay nawalan siya ng ganang kumain at labis umano siyang nanghihina.
naging daily basis na rin umano ang kanyang headaches. Hindi rin umano siya naapektuhan sa cold weather doon sa America.
Sa katunayan, ang kanyang waist down to skin would feel warm to the touch. Minsan pa ay nababasa umano siya ng pawis.
Nakakaranas rin umano siya ng dizzy spells at ang kanyang BP ay labis na bumababa. Kinukunan rin umano siya ng dugo at ang panghuli ay para sa kanyang thorough autoimmune blood panel, na makukuha niya ang resulta matapos ang dalawang linggo.
Inamin rin ni Kris Aquino na una nagdalawang isip siyang i-post ang kanyang mga larawan dahil sa muling pagpayat. Pinayuhan na rin umano siya ng kanyang doctor na kumain ng real food with high iron content para maiwasan niyang magkaroon ng heart complications.
Dahil dito, pinilit umano ni Kris Aquino na kumain muli subalit, hindi umano ito naging madali dahil mula noong new year tanging 3 lbs. lamang ang nadagdag sa kanyang timbang.
Inamin rin ni Kris Aquino na umiyak siya ng lumabas ang kanyang blood panel results.
Pagbabahagi ni Kris Aquino, "My Churg Strauss/ EGPA is still being treated, but to add to it my crest syndrome is now in full active mode."
Ipinahayag rin ni Kris Aquino na nakakaramdam na rin siya ngayon ng mga sintomas ng panibagong autoimmune connective tissue disease na tinatawag na Lupus.
Ilan sa mga sintomas na nakikita sa kanya ay ang kanyang ANA count, mataas na inflammatory numbers, anemia, constant elevated blood pressure at night at ang consistent appearance of the 'butterfly rash' sa kanyang mukha.
Sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanan ngayon hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Kris Aquino at patuloy pa rin niyang nilalabanan ang kanyang nararamdamang sakit para sa mga nagmamahal sa kanya lalong-lalo na ang kanyang dalawang anak.
Hiling rin ni Kris Aquino na sana ay patuloy pa rin siyang ipagdasal ng kanyang mga tagahanga na malampasan na niya ang pagsubok sa kanyang buhay.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!