Hanggang ngayon ay wala pa ring final report kung nasaan ang dating Miss Grand Philippines 2023 contestant na si Catherine Camilon subalit ayon sa ilang mga netizens ay maaring pumanaw na umano ang dalaga dahil ilang buwan na rin itong nawawala.
Maging ang ilang mga pulis na nag-iimbistiga sa nasabing kaso ni Catherine Cammilon ay malakas na rin ang kutob na wala nang buhay ngayon ang beauty queen.
Ayon kay CIDG Deputy Major Nelo Morales sa isang press conference, "We are hoping for the best, but we are expecting the worse. Hindi po namin masabi kung wala na po talaga, pero base po sa account ng witnesses namin it appears na'yun na nga po, na patay na po."
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang CIDG ang primary investigation badge ng Philippine National Police.
Matatandaan na noong November 8, 2023 lumutang ang dalawang witnesses kung saan sinasabi nilang nakita nila si Catherine Camilon na nililipat ng tatlong kalalakihan sa isang pulang CRV.
Napatunayan naman ang impormasyong ito na isiniwalat ng mga witness nang ma-recover ng mga pulis ang isang abandonadong sasakyan na tumutugma sa diskripsyon nila. Nagpositibo rin sa DNA ni Catherine Camilon ang mga DNA samples na nakuha nila mula rito.
Patuloy namang pinaghahanap ngayon ng mga kapulisan si Catherine Camilon at magbibigay pa ng malaking pabuya sa mga taong makakapagbigay ng lead kung nasaan na ngayon ang dalaga kung saan isa sa mga nag-sponsor rito ay si Batangas Vice Governor Mark Levesti.
Samantala, na-dismiss na umano mula sa serbisyo ang isang pulis na itinuturong karelasyon ni Catherine Camilon at isa sa mga person of interest sa nasabing pagkawala ng beauty queen.
Sa kabilang banda, patuloy pa ring umaasa ang pamilya ni Catherine Camilon na makikita pa rin nila ang katawan ng dalaga.
Huling nakita si Catherine Camilon noong October 12, 2023 at makalipas ang limang araw tuluyan na itong ideniklarang missing person.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!