Kilalanin ang mga male celebrities na aminado at naiisyu bilang mga Mama's boys.
Gerald Anderson
Noon pa mang nagsisimula pa lamang si Gerald Anderson sa larangan ng showbiz ay inamin na niya na isa siyang mama's boy at proud umano siya rito. Noong naging artista na umano siya ay pinagresign na niya ang kanya ina sa trabaho, binilhan din niya ito ng isang pick up truck na matagal na nitong pinapangarap.
Andrei Yllana
Hindi rin ikinakahiya ng nag-iisang anak nina Aiko Melendez at Anjo Yllana na tawagin ang sarili bilang mama's boy. Balewala rin kay Andrei ang pagiging overprotective ng kanyang ina sa kanya. Kung ikinakahiya man umano ng iba ang pagkakaroon ng ganitong uri ng ina ay hindi siya ganoon, bagkus ay masaya umano siya at naiintindihan na sinusuportahan lamang siya ng kanyang ina.
Mavy Legaspi
Very proud ding ipinapahayag ng actor-host na si Mavy Legaspi ang pagiging isang mama's boy. Ipinahayag din niya na panghabangbuhay siyang magiging mama's boy. Marami namang mga ina ang napasana all nang regaluhan ni Mavy ng isang Hermes bag ang ina noon kaarawan nito.
Luis Manzano
Hindi rin itinatago ng Kapamilya host na si Luis Manzano ang kanyang pagiging mama's boy. Noong kabataan ni Luis Manzano ipinapakita na niya ang kanyang closeness sa mga magulang sa kabila ng pagiging hiwalay ng mga ito. Sinagot din ni Luis Manzano ang mga nambatikos sa kanya noon bilang isang mama's boy, ayon kay Luis masarap magmahal ang mga ina.
Daniel Padilla
Hindi man inaamin ni Daniel Padilla ang pagiging mama's boy, makikita naman ito sa kanyang mga ginagawa para sa kanyang ina na si Karla Estrada. Lahat kasi ng mga bagay na hinihiling ni Karla ay palaging ibinibigay ni Daniel.
Richard Gutierrez
Nabansagan bilang mama's boy ang aktor na si Richard Gutierrez dahil sa kinakaharap nitong isyu ngayon patungkol sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Sarah Lahbati. Tanging ang ina lamang kasi ng aktor ang nagbibigay ngayon ng pahayag laban sa mga ibinabatong isyu sa kanya, dahil dito marami ang nag-iisip na isang mama's boy si Richard Gutierrez.
David Licauco
Hindi naman ikinakahiya ng Kapuso actor na si David Licauco ang pagiging isang mama's boy. Sa kanyang mga social media post, very proud si David sa pagpi-flex sa kanyang ina sa kanyang mga social media post.
LA Santos
Hindi naman ikinahiya ng baguhang Kapamilya singer na si LA Santos na isa siyang mama's boy. Para kay LA, nakakapogi para sa kanya ang matawag na isang mama's boy. Masarap din umanong magmahal ang mga ina. Hiling din niya na makatagpo ng isang babae na mamahalin na katulad ng kanyang ina.
Enrique Gil
Naging certified mama's boy naman si Enrique Gil dahil na rin ang kanyang ina na ang tumayo bilang ama at ina sa kanya at sa kanyang mga kapatid. Tinupad rin ni Enrique Gil ang pangarap ng kanyang ina na magkaroon ng sariling restaurant.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!