Sa lumalalang isyu ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, lalo namang nadadamay ang kani-kanilang mga magulang sa nasabing isyu at nakakatanggap na rin ng mga pambabatikos mula sa mga netizens.
Makikita sa mga Instagram post ni Esther Lahbati, ina ni Sarah Lahbati, makikita ang mga larawan ng kanilang pagbabakasyon at pagrerelax. Subalit, may mga bashers naman na talagang hindi tumitigil sa pang-iintriga sa mga magulang ni Sarah Lahbati na pilit hinahanapan ng maipipintas sa mga ito.
Binalikan pa ng ilang mga netizens ang naging buhay at trabaho ng ina ni Sarah Lahbati noon kung saan namasukan umano itong katulong sa isang chocolate factory sa Switzerland. Minaliit pa ng ilang mga netizens ang naging trabaho noon ni Esther Lahbati.
May ilan naman na nagtatanggol sa pamilya nina Sarah Lahbati na nagsasabing hindi naman umano magandang batikosin ang magulang ni Sarah dahil lamang sa naging trabaho nito noon na isa namang marangal na trabaho.
Bukod pa rito, inamin naman noon ni Sarah Lahbati kung ano ang naging trabaho ng kanyang ina.
Samantala, tila hindi na nakapagtiis si Esther Lahbati sa mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens kaya naman sinagot na niya ang mga ito.
Nilinaw ni Esther na wala namang masama sa pagtatrabaho sa bahay bilang katulong dahil marangal naman itong trabaho. Ipinahayag pa ni Esther na kung wala rin namang magandang sasabihin ang mga bashers ay mas nakabubuti na manahimik na lamang ang mga ito at isara na lamang ng mga ito ang kanilang mga bibig.
Nagbrag pa si Esther sa pagkakaroon niya ng Swiss passport kung saan maari umano siyang magpunta sa iba't-ibang bansa ng hindi na nangangailangan ng VISA. Maari rin umano siyang magtrabaho saan man sa Europe.
Binweltahan din ni Esther ang kanyang basher sa pamamagitan ng pagtatanong rito kung ano ang naiambag nito sa kanyang pamilya at ang sariling pamilya na lamang umano ang intindihin nito.
Nilinaw din ni Esther na hindi naman siya nagtrabaho sa isang chocolate factory may resibo umano siya na nagtrabaho siya sa Geneva International Airport sa chocolaterie sa loob ng duty free shops.
Sumang-ayon naman ang mga fans ni Sarah Lahbati sa mga naging pahayag ni Esther at pagsagot nito sa bashers dahil wala naman umanong mali sa pagbabakasyon at pagrerelax nilang mag-anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!