Nakatanggap ng pambabatikos mula sa mga netizens ang aktres na si Ryza Cenon matapos niyang ibahagi ang paraan ng pagdidisiplina niya sa kanyang anak na lalaki.
Kilala ang anak na lalaki ni Ryza Cenon bilang si Night na anak niya sa kanyang non-showbiz partner. Mag-aapat na taong gulang pa lamang si Night sa darating na November 2024.
Bagama't mahal na mahal ni Ryza Cenon ang kanyang nag-iisang anak ay dinidisiplina pa rin niya at pinaparusahan kapag kinakailangan.
Sa ibinahaging video ni Ryza Cenon makikitang pinapaharap niya sa pader ang kanyang anak dahil nakagawa ito ng pagkakamali, bawal umanong umalis sa harap ng wall ang bata hanggang sa pinapahintulutan na ito ni Ryza.
Makikita naman sa nasabing video ang labis na pag-iyak ng bata na ikinabahala na ng ilang mga netizens. Marami rin kasi ang hindi sumasang-ayon sa paraan ng pagdidisiplina ni Ryza Cenon sa kanyang anak.
May mga komento pa na maaring makaapekto umano ang ginawa ni Ryza Cenon sa mental health ng bata lalo pa't maliit pa lamang ito. Ayon pa sa isang enternet site, na ang pagpapatayo sa isang bata na nakaharap sa pader ay hindi karapat dapat na gawing parusa.
Sa gitna ng mga nilikhang ingay dahil sa isyu, kaagad namang nagpaliwanag ang celebrity mom na si Ryza Cenon kung saan inilahad niyang sa tuwing pinaparusahan niya ang kanyang anak ay ipinapaliwanag niya sa bata kung ano ang nagawa nitong pagkakamali.
Ikinuwento rin ni Ryza Cenon sa publiko kung bakit pinapa-face the wall niya ang kanyang anak bilang parusa sa mga nagawa nitong pagkakamali.
Ayon sa ibinahagi ni Ryza Cenon, ang kasalanan ni Night ay hinampas nito ng malakas yung Dyson na electricfan at naghiwalay ito. Hinagis rin umano ng bata ang defuser sa carpet kaya nabasa ito.
Araw-araw din umano ay may nagliliparang mga gamit sa kanilang bahay na nakakawala talaga ng pasensya.
Humiling pa si Ryza Cenon na mahaba pang pasensya mula sa panginoon para matagalan niya ang makulit niyang anak.
Inilahad din ni Ryza Cenon na ito lamang ang naiisip niyang paraan para hindi niya mapagbuhatan ng kamay ang kanyang anak na tila lumabis ang taglay na kulit.
Alam din naman umano ni Ryza Cenon na sa kasalukyang edad ng kanyang anak ay hindi pa ito kaagad na nakikinig dahil nag-eexplore pa ito sa mga bagay-bagay.
Bagama't iba-iba umano ang pamamaraan ng bawat magulang sa pagdidisiplina sa mga bata ay iisa lamang ang layunin ng lahat na lumaking maayos ang mga ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!