Rendon Labador, Binatikos Ang PCSO Dahil Sa Pagpost Ng Edited Winner

Huwebes, Enero 18, 2024

/ by Lovely


 Binabatikos ng social media personality na si Rendon Labador ang PCSO dahil sa pagbabahagi umano ng mga ito ng isang edited photo sa nanalong lotto winner noong December 28, 2023 draw.


Tila hindi nagustuhan ng social media personality na si Rendon Labador ang ginawang hakbang ng PCSO sa pagbabahagi ng isang edited photo ng lotto winner, upang ipakita sa publiko na nakuha na nito ang kanyang napanalunan kalakip ang winning ticket.


Matatandaan na inanunsyo ng Philippines Charity Statistics Office noong December 28, 2023 na may nanalo na sa 6/42 draw nila. Ayon sa kanilang naging pahayag, isang PCSO bettor mula sa San Jose Bulacan ang maswerteng nanalo sa 6/42 Draw ng mahigit 40- million pesos.


Kalakip ng nito ang ang larawan ng nanalo habang hawak nito ang tseke ng kanyang napanalunan at ang larawan ng kanyang winning ticket upang ipakita sa publiko na totoong nanalo ang nasabing tao.


Subalit, marami sa mga netizens ang nakapansin na tila edited umano ang nasabing litrato dahil kapansin-pansin umano ang pagkakaiba sa texture at lighting ng larawan. Kapansin-pansin rin ang pagkakaiba sa katawan ng nasabing winner.


Samantala, may mga nagsasabi naman na baka sinadya umano ng PCSO na i-edit ang picture ng nanalo upang maprotektahan ang pagkakakilanlan nito lalo nat, malaking pera ang involved.


Hindi naman ito matanggap ni Rendon Labador kaya naman nagpost siya ng video sa kanyang Instagram stories kung saan binatikos niya ang PCSO sa pagbabahagi sa nasabing litrato.


Pakiramdam ni Rendon Labador na ginagawang tanga ng PCSO ang mga tao sa bansa dahil niloloko na lamang umano nila ito. Bukod pa rito, nanawagan rin si Rendon Labador sa lahat ng mga senador at kongresista na wala umanong ginagawa na tingnan ang PCSO dahil tila ginagawa na lamang nilang negosyo ang taong bayan.


Inamin naman ito ng PCSO General Manager sa senate hearing, sinabi niyang poorly edited ang nasabing photo subalit iginiit niyang totoong tao ang winner. Inilahad pa niyang pinuprotektahan lamang nila ang pagkakakilanlan ng mga winners.


@nickonoctavio #pcso #rendonlabador #rendon #fy #fyp #foryo #for #fyou #forypage #foryourpage #forypage #fyoupage #tiktokph #tiktokphilippines #fpy #f #fypã‚·゚viral #trending #fp #fpyã‚· #y ♬ original sound - Nicko Noctavio

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo