Senior Citizen, Gustong Sungkitin Ang Korona Sa Miss Universe Philippines-Quezon City

Miyerkules, Enero 17, 2024

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring opinyon mula sa mga netizens ang isang hindi pangkaraniwang pangyayari sa mundo ng pageantry, partikular na sa Miss Universe Philippines competition dahil sa pagsali ng isang senior citizen bilang candidate.


Ang nasabing contestant ay walang iba kundi si Jocelyn Cubales na kilala rin sa showbiz bilang si Joyce Penas Pilarsky na isa ring fashion designer. Siya ay kabilang sa labing limang kandidata para sa Miss Universe Philippines-Quezon City 2024.


Kung sakaling papalarin na si Jocelyn Cubales o si Joyce Penas Pilarsky na magiging opisyal na representative ng Quezon City sa Miss Universe Philippines 2024. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng pageant sa Pilipinas lalong-lalo na sa Miss Universe na inaabangan ng lahat ang pagkakaroon ng kandidata na isang senior citizen.


Matatandaan na inanunsyo ng Miss Universe Organization noong September 2023 ang pagtanggal ng age limit sa lahat ng Miss Universe at mga kaugnay na pageant, na sisimulang ipatupad ngayong taon. 


Nauna nang pinayagan ng Miss Universe Organization ang pagsali ng mga transgender woman, divorcee, married woman at mga babaeng mayroon nang anak.


Noon ay tanging mga babaeng nasa edad sa pagitan na 18 hanggang 28 ang pinapayagang makasali sa kompetisyon. Kabilang rin sa qualifications para sa nasabing competition noon ay ang pagiging single, born woman at wala pang anak.


Samantala, ayon sa naging pahayag ni Joyce, maraming makukuhang aral mula sa kanyang mga karanasan ang mga kabataan, motivated umano siyang makamit ang korona para makapag-inspire sa ibang mga Filipino women to pursue their passion and achieve their dreams.


Full support naman ang pamilya ni Joyce Penas Pilarsky sa kanyang paghahangad na makamit ang korona.


Hindi rin naman baguhan sa larangan ng pageantry si Joyce Penas Pilarsky siya ang kauna-unahang Pilipina na ang compete sa 2017 edition ng Mrs. Universe. Kung saan naiuwi niya ang "Mother of the Universe" special award para sa kanyang advocacy and charity work for children and women sa bansang Pilipinas.


Bukod pa rito, pinangalanan din siya bilang Mrs. Philippines Germany noong 2000, Mrs. Asia International, Mrs. Asia International Global, and Mrs. Ecotourism, noong 2014.


Bukod sa pagiging pageant veteran, nagkaroon din siya ng iba pang roles sa kanyang career. Isa siyang fashion designer, dating flight attendant ng Saudi Arabian Airlines, at isang naturopathic and alternative medicine doctor. 


Isa rin siyang actress noon naging nominated bilang Best New Movie Actress by the Philippine Movie Press Club noong 2018 sa 34th Star Awards for Movies para sa kanyang naging role noong 2017 sa full-length film New Generation Heroes kasama ang veteran actress na si Anita Linda.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo