Nagbigay ng saloobin ang showbiz insider at talent manager na Ogie Diaz patungkol sa bagong title ng noontime show ng GMA7.
Nitong sabado, January 6, 2024 tila tuluyan nang sumuko ang TAPE Incorporated sa labanan nila ng TVJ patungkol sa titulo at logo ng Eat Bulaga. Pinalitan na ng TAPE Incorporated ang pamagat ng kanilang show mula sa Eat Bulaga binago na nila ito sa Tahanang Pinakamasaya.
Matatandaan na pinanigan ng korte sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa mga kasong isinampa nila laban sa TAPE Inc. partikular na sa pamagat ng show na Eat Bulaga.
Umani naman ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang panibagong pamagat ng show ng TAPE Incorporated. Maging ang kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ay nakukulangan din sa dating ng noontime show ng TAPE Inc.
Ayon sa naging pahayag ni Ogie Diaz, bagama't masaya naman ang pahiwatig ng panibagong titulo ng noontime show ng GMA7 ay tila nakukulangan pa rin siya sa dating nito.
Nauna nang naiulat na kinailangan umanong magbayad ng malaking halaga ang TAPE Inc. ng damages laban sa TVJ, abswelto naman sa pagbabayad ang GMA7 dahil sinunod lamang ng network ang airtime agreement nila at ng TAPE Incorporated.
Samantala, marami naman ang nagsasabi na babagsak ang rating ng Tahanang Pinakamasaya dahil bukod, sa bago ang kanilang pamagat, marami sa mga viewers ang nanonood ng kanilang show dahil gamit nila ang pamagat na Eat Bulaga.
May mga nagsasabi na baka hindi naman magiging malaking problema ang pagpapalit ng pamagat sa kanilang show dahil na-stablish naman na ang show bago ang lahat.
Sa ngayon ay tingnan na lamang ang magaganap sa kung ano ang magiging consequence sa pagsuko ng TAPE Incorporated sa trademark ng Eat Bulaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!