Mukhang mahaharap naman sa panibagong legal battle ang TAPE Incorporated matapos ang kanilang pagkatalo sa labanan ng copyright sa TVJ, dahil sa alegasyon na ginaya umano nila ang kanilang logo sa isang local Facebook page ng Quezon Province.
Matapos talunin ng legendary trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang TAPE Inc. sa Eat Bulaga copyright case, tila may panibagong isyu naman na kakaharapin ang nasabing production company matapos mapag-alaman na tila ginaya lamang nila ang kanilang panibagong logo sa Byahelen ng Quezon Province.
Bagama't may pagkakaiba ng kaunti ang dalawang logo, kapansin-pansin naman ang pagkakapareho ng larawan ng niyog na siyang naging trademark ng Tahanang Pinakamasaya.
Samantala, naunang nabuo ang Byahelen noong March 2023, kaysa sa Tahanang Pinakamasaya na nag-umpisa lamang noong January 6, 2024.
Bagama't wala pang pahayag ang Byahelen patungkol sa isyung ito maari pa rin itong mag-ugat sa isang malaking isyu sa hinaharap.
Marami naman sa mga netizens ang lalong nadismaya sa TAPE Inc. at sa kanilang editor dahil hindi na umano nakakaisip ang mga ito ng original concepts at lahat na lamang ay ginagaya nila sa iba.
Marami rin kasi ang nakapansin na maging ang kulay ng font na ginamit ay magkapareha rin ang konsepto ng mundo na nasa gitna.
May mga nagsasabi pa na may pera naman ang TAPE Inc. kaya naman sana ay naghire sila ng magagaling na editor at kahit paano ay pinag-isipan naman nilang maigi ang pagbuo ng logo para makaiwas sa mga problema sa hinaharap.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!