Tila hindi nakaligtas ang anak ng actor, TV host, dancer Vhong Navarro sa mga mapanghusgang mata ng mga netizens dahil sa looks nito.
Hindi nakaligtas sa mga pangmamata at pang-ookray ng mga netizens ang anak ni Vhong Navarro na si Yce Navarro matapos ianunsyo na makakasama siya sa inaabangang teleserye sa ABS-CBN na FPJ's Ang Barang Quiapo.
Bagama't nakakakuha naman ito ng mga tagahanga si Yce Navarro, tila mas marami naman itong mga bashers dahil sa hitsura nito.
Ayon sa mga netizens, kamukha umano ito ni Vhong Navarro at hindi umano ito mukhang artista.
Sa kabilang banda, very proud naman si Vhong Navarro sa panibagong journey ng kanyang anak at sa pagkakasama nito sa isang teleserye na pinag-uusapan ngayon.
Nagpapasalamat naman si Vhong Navarro sa aktor-direktor na si Coco Martin sa pagtitiwala sa kanyang anak na si Yce at sa pagbibigay nito ng opportunity. Inilahad rin ni Vhong Navarro na malaking karangalan para sa kanya na napabilang sa masasabing pinakamalaking teleserye ng bansa ang kanyang anak.
Ipinahayag pa ni Vhong Navarro na talagang aabangan niya ang teleserye kung saan makakasama ang kanyang anak.
Sa kabilang banda, malaki naman ang pasasalamat ni Yce Navarro sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment. Sa kanyang Instagram stories ini-repost niya ang kanyang banner photo sa Batang Quiapo sa caption inilahad niya ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment sa pagbibigay ng opportunity at pagtitiwala sa kanya.
Samantala, hindi pa man inilalabas ang mga eksena ni Yce Navarro sa Batang Quiapo, nakakatanggap na siya ng pambabatikos at panlalait mula sa mga netizens. Hindi lamang ang mukha ni Yce Navarro ang binanatan ng mga netizens kundi maging ang pangangatawan nito.
Ayon sa ilang mga netizens, napaka-chararat ng mukha nito at hindi umano nito nakuha ang angking kagwapuhan ni Vhong Navarro. May mga nagsasabi pa na mas mukhang bata si Vhong Navarro kaysa sa kanyang anak.
Iginiit pa ng ilang mga netizens na dapat bago pumasok sa showbiz itong si Yce ay inalagaan muna nito ang kanyang katawan. Ipinunto pa nila na isa sa mga requirement ng pagiging artista ay physically pleasing.
Mukha rin umano itong extra lamang at madali lamang makalimutan at hindi umano nito deserve na maging artista.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!