Ang Bagong Marimar?! Reaksyon Ng Mga Netizens Sa Pagganap Ni Herlene Budol Bilang Bagong Marimar!

Huwebes, Pebrero 22, 2024

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usap-usapan online ang Kapuso actress na si Herlene Nicole Budol matapos nitong ibahagi sa kanyang social media account ang isang video kung saan nakasuot siya ng Marimar costume habang sinasayaw niya ang legendary dance ni Marimar.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, marami ang na-excite sa muling pagbabalik ng serye kung saan si Herlene na ang gaganap. May mga nagsasabi naman na bagay naman kay Herlene Budol ang nasabing role.


Matatandaan na naging iconic ang karakter ni Marimar nang gampanan ito ni Marian Rivera na naging dahilan kung bakit nahirang ang aktres bilang Kapuso Primetime Queen.


May mga natatanong naman kung kumpirmado na ba ang balitang ito at gagampanan nga ni Herlene Budol ang nasabing karakter.


Ngayon pa lamang ay excited na ang mga tagahanga ni Herlene Budol sa posibilidad na gagampanan ni Herlene Budol ang pagiging Marimar dahil nababagay naman umano ito sa aktres dahil marunong rin itong sumayaw at mahal na mahal rin nito ang kanyang mga lolo at lola na katangian ni Marimar.


Bagama't marami sa mga tagahanga ni Herlene Budol ang umaasang gaganap ang aktres sa role ni Marimar may mga nagsasabing hindi ito mangyayari dahil ang nasabing video ay isa lamang sa mga behind the scenes ng ginagawang music video ni Herlene Budol para sa kanyang kanta na pinamagatang 'Kain Tayo'.


Matatandaan  na kamakailan lamang ay nasangkot sa isang kontrobersiya si Herlene Budol nang kumalat sa social media ang conversation nila ng kapwa Kapuso actor na si Rob Gomez na naging leading man niya sa teleseryeng Magandang Dilag.


Nalagyan ng malisya ang palitan nila ng mga mensahe dahil sa mga salitang 'Kain' at 'gutom'. Hinala ng marami na ang nagpalabas ng mga nasabing conversation ay walang iba kundi ang mismong kinakasama ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang naghinalang naging kabit si Herlene Budol at pumatol ito sa lalaking may kinakasama at anak na. 


Subalit, kahit pa nakakatanggap ng pambabatikos si Herlene Budol ay dinidedma lamang niya ito at iginiit na wala silang relasyon ni Rob Gomez at nagtutulungan lamang umano silang magkabisa ng mga linya at salitang 'kain' at 'gutom' ay wala naman umanong ibang pakahulugan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo