Kamakailan lamang ay inamin ni Kris Aquino ang kanyang totoong kalagayan habang patuloy pa ring nagpapagamot sa kanyang mga karamdaman sa Amerika.
Nitong February 14, 2024 sa mismong kaarawan, ibinahagi ni Kris Aquino sa publiko ang totoong nangyayari sa kanyang katawan ngayon at ang posibilidad na mangyayari sa kanya sakaling hindi gumana ng maayos ang panibagong gamot na susubukan sa kanya.
Kabilang sa mga isiniwalat ni Kris Aquino ay ang posibilidad na anumang oras ay maari siyang atakehin sa puso. Inamin rin niya na dahil sa kanyang mga autoimmune diseases ay may tama na rin ang kanyang puso kung saan hindi na umano normal ang tibok nito.
Kahit na sa pagbabanyo ay nahihirapan na rin umano siya. Bukod pa rito, maaring anumang oras, kahit sa kanyang pagtulog ay bigla na lamang hihinto sa pagtibok ang kanyang puso.
Samantala, may isang netizen naman na nagkomento na mayroong kaparehong sitwasyon kay Kris Aquino. Pinaalalahanan niya si Kris na huwag mag-alala at malungkot. Huwag rin sanang isipin ni Kris Aquino na ito na ang kanyang huling kaarawan.
"Same here, cardiomegaly due to myopathy. And I just had a congestive heart failure na akala ko katapusan ko na pero di pa. Bawal mag-alala at malungkot sa atin. Wag mo muna isipin if last bday whatsoever."
Payo pa ng netizen na mas maiging i-spend ni Kris Aquino ang bawat araw ng kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya. Nagbiro pa ito na baka mayroon pa silang purpose sa mundo kaya hindi pa sila sinusundo.
"Just spend each day with family God-centered. May purpose pa ta yo kaya di pa tayo sinusundo. I share my prayers to you and your friends who are also having their personal health battles. Don't give up, we look up to you."
Ilan pa sa mga fans ni Kris Aquino ang nagbigay ng friendly advice kay Kris Aquino kung saan pinayuhan siyang magkaroon ng sariling dietician upang makatulong sa kanyang food intake lalo na sa sitwasyon ni Kris Aquino na maraming mga allergies.
Patuloy namang ipinagdadasal ng mga netizens ang tuluyang paggaling ni Kris Aquino upang magkaroon pa ito ng mahabang oras kasama ang kanyang mga anak at taong nagmamahal sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!