Bea Alonzo Hindi Natuwa Sa Pangingialam Ni Boy Abunda Sa Breakup Niya Kay Dom!

Miyerkules, Pebrero 14, 2024

/ by Lovely


 Tila humingi ng paumanhin ang TV-host na si Boy Abunda sa dating celebrity couple na sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos niyang kumpirmahin sa publiko ang hiwalayan ng dalawa.


Matatandaan na sa inilabas na joint statement nina Bea Alonzo at Dominic Roque, tila pinasaringan nila ang ilang indibidwal na nagkumpirma sa kanilang hiwalayan ng walang pahintulot mula sa kanilang dalawa.


Unang napapabalitang naghiwalay na sina Dominic Roque at Bea Alonzo nang mapansin ng mga netizens na hindi nagkakatugma ang kanilang mga kasagutan ng maitanong sa kanila ang patungkol sa kanilang kasal.


Napansin rin ng ilang mga netizens na hindi na silang nagbabahagi ng mga update ng magkasama at hindi na rin suot ni Bea Alonzo ang engagement ring na ibinigay ni Dominic Roque.


Lalo pang lumakas ang mga bulong-bulungan nang mapag-usapan ang isyung ito sa showbiz vlog nina Ogie Diaz. Bagama't hindi naman kinumpirma ni Ogie Diaz ang hiwalayan ng dalawa inilahad niyang may mabigat silang pinagdadaanan patungkol sa kanilang relasyon.


Ilang araw matapos ang pagsisiwalat na ito nina Ogie Diaz, hayagan niyang isiniwalat at kinumpirma na hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa katunayan ay isinauli na umano ng aktres ang ibinigay na singsing ni Dominic Roque sa kanya.


Marami naman ang naniniwala sa mga isiniwalat ni Boy Abunda dahil inakala ng mga netizens na malapit sila ni Bea Alonzo. Subalit, nagdadalawang isip na ngayon ang ilan sa mga netizens sa pagkakaibigan nina Bea Alonzo at Boy Abunda dahil sa pagpapasaring nito kay Boy Abunda matapos kumpirmahin ang kanilang hiwalayan.


Ayon sa inilabas na pahayag nina Bea Alonzo at Dominic Roque hindi naging madali para sa kanilang dalawa ang desisyon na maghiwalay na lamang. Nais din sana nila na magkaroon ng pagkakataon para sa kanilang healing subalit hindi nila ito magawa dahil sa mga kumakalat na mga balita at may nagkumpirma pa umano sa kanilang hiwalayan ng walang pahintulot.


Samantala, sa contract signing ni Boy Abunda sa GMA network nahingan siya ng pahayag patungkol sa official statement nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Dito inilahad ni Boy Abunda na pinili niynag huwag na munang magbigay ng pahayag patungkol dito sa ngayon at irespeto na lamang ang desisyon ng dalawa.


Naiintindihan din umano ni Boy Abunda ang nararamdaman ng dalawa na labis na nasaktan sa nangyari sa kanilang relasyon.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo