Bea Alonzo Inis Kay Marian Rivera Dahil Mas Priority Ito Ng Gma Kaysa Sa Kanya

Huwebes, Pebrero 15, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung naiinsecure umano si Bea Alonzo sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kaya naman maging ang bonggang kasal nito kay Dingdong Dantes ay nais umanong lampasan ni Bea Alonzo kung sakaling natuloy ang kasal nila ni Dominic Roque.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang usap-usapang bago iaalok kay Bea Alonzo ang isang proyekto ay dadaanan muna umano ito kay Marian Rivera, kung tatanggihan naman ito ng aktres ay saka na lamang ito ibibigay kay Bea Alonzo.


Nagsimula ang mga usap-usapang ito nang mapag-usapan nina Ogie Diaz sa kamakailang vlog nila ang patungkol sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Ayon kay Ogie Diaz, magkaiba umano ang gusto nina Dominic Roque at Bea Alonzo sa ilang mga detalye ng kasal nila, ang nais umano ni Bea Alonzo ay isang marangya at bonggang kasal dahil once lang naman ito magaganap sa kanyang buhay.


Hindi naman ito bago sa industriya ng showbiz dahil matatandaan na naging world record ang marangyang kasalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kung saan ito ang gustong lampasan ni Bea Alonzo.


Napapatanong naman si Ogie Diaz kung bakit nais lampasan ni Bea Alonzo si Marian Rivera gayung napakatagal na mula nang maikasal sina Marian at Dingdon Dantes.


Dito na isiniwalat ng isa sa kanilang kasamahan ang nakarating sa kanilang balita mula sa kanilang source kung saan isiniwalat nito sa kanya na bago pa man umano iaalok kay Bea Alonzo ang isang project ay nauna na itong tanggihan ni Marian Rivera.


Kung susumahin, tila naging tagasalo lamang umano si Bea Alonzo sa mga proyekto na ayaw gawin ni Marian Rivera. Iginiit naman ni Ogie Diaz na bagama't hindi nila kinukumpirma ang balitang ito ay naniniwala pa rin siya sa kanyang mga sources dahil makikita naman umano ito.


Sa kabilang banda, naglabas naman ng pahayag ang isa sa mga kilalang writer ng Kapuso network kung saan pinabubulaanan niya ang isyu. Iginiit niya na ang lahat ng mga proyektong ginawa ni Bea Alonzo para sa GMA Network ay sadyang ginawa sa kanya at hindi inalok sa ibang mga artista.



@samut.sari

Hayan, after the Controversial Bea and Domic Breakup, Marian Rivera and Bea Alonzo naman pinagsasabong nila Ogie Diaz.

♬ original sound - Samut-saring Contents

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo