Bea Alonzo Mag Isa Sa Valentines Day Kaya Sinurpresa Ng Kanyang Mga Angels

Biyernes, Pebrero 16, 2024

/ by Lovely


 Hindi na nakapagdiriwang ng Valentine's day ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa kanilang paghihiwalay.


Ikinalungkot naman ito ng kanilang mga tagahanga dahil naging tradisyon na para sa mga ito ang pag-aabang sa kung ano ang hinandang surpresa ni Dominic Roque para kay Bea Alonzo.


Samantala, makikita sa social media post ni Bea Alonzo ipinakita niya ang mga nangyari sa kanya sa araw ng mga puso. Sa ibinahaging video ni Bea Alonzo makikita ang pagsupresa sa kanya ng mga kasama niya sa bahay.


Makikita pa sa video ang pagiging emosyunal ni Bea Alonzo dahil hindi niya inaasahan ang gagawin sa kanya ng kanyang mga angels.


Kabilang sa mga ibinahaging larawan ni Bea Alonzo ay ang kuha niya kasama ang kanyang alagang aso na si Walter White marami naman sa kanyang mga tagahanga ang napapatanong kung nasaan ang isa pa niyang pet na si Chico na ibinigay sa kanya noon ni Dominic Roque.


Marami naman ang naghinala na baka isinauli na rin ito ni Bea Alonzo kay Dominic Roque kasabay ng pagsasauli niya sa kanilang engagement ring.


Sa kabilang banda, kapansin-pansin naman sa ibinahaging video ni Bea Alonzo ang kalungkutan ng kanyang mukha habang nagdidiriwang ang lahat sa araw ng mga puso.


Dahil dito marami ang naghinala na apektado rin siya sa nangyaring hiwalayan nila ni Dominic Roque.


Sa panig naman ni Dominic Roque makikita ang pagpi-flex niya sa bouquet of flower na ibinigay niya sa kanyang ina na si Mommy Lena.


Sa ngayon, ay patuloy paring umaasa ang ilang mga tagahanga nina Bea Alonzo at Dominic Roque na maayos na ng dalawa ang kung anumang hindi pagkakaunawaan sa kanilang pagitan.


Matatandaan na ginulat nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang mga tagahanga nang mapabalita ang kanilang paghihiwalay sa gitna ng paghahanda na sana nila sa kanilang pagpapakasal.


Ayon sa mga hinala ng mga netizens na isa sa mga dahilan ng hindi pagkakaunawaan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay may kinalaman sa usapin ng pera.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo