Bea Alonzo Nadamay Sa Engagement Ni Ria at Zanjoe Marudo!

Biyernes, Pebrero 23, 2024

/ by Lovely


 Ikinatuwa ng mga fans nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang kanilang pagsisiwalat patungkol sa nangyaring engagement nilang dalawa.


Kaagad itong umani ng mga positibong komento mula sa mga netizen at mga kaibigan nila sa loob at labas ng industriya ng showbiz. Marami rin sa mga celebrity friends ng dalawa ang nagbigay ng mensahe para at nagpahayag sa kanilang mga kasiyahan dahil na rin deserve naman ng dalawa ang maging masaya.


Samantala, sa gitna ng kasiyahan ng ilan, may mga netizen naman na pilit na iniuugnay si Bea Alonzo sa kaganapang ito.


Hindi naman kasi lingid sa kaalamn ng lahat na nagkaroon ng relasyon noon sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo na nauwi rin sa masalimoot na paghihiwalay.


Ipinunto ng ilang mga netizens na karamihan sa mga naging karelasyon noon ni Bea Alonzo ay masaya na ngayon sa kanilang mga nakarelasyon at hindi naman umano nagkakaroon ng problema.


Kabilang na sa mga naging ex ni Bea Alonzo ay si Gerald Anderson na masaya na sa relasyon nito kay Julia Barretto, si Zanjoe Marudo naman ay ikakasal na ngayon kay Ria Atayde.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung totoo nga ba ang mga isyu noon kung saan pinapasama ang mga image nito o kaya naman ay ang aktres talaga ang may problema.


Matatandaan na noong 2022 unang naiulat ang pagkakaroon ng relasyon nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, matapos ang dalawang taon masayang inanunsyo ng dalawa ang kanilang nalalapit na pagpapakasal.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo