Carla Abellana: Rumesbak sa mga Bashers 80% Sold Na Ang Ibinibenta

Martes, Pebrero 27, 2024

/ by Lovely


 Matapos maging laman ng mga usap-usapan sa ilang ga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagbibibenta ng Kapuso actress na si Carla Abella ng mga dugyot pero over-priced na mga pre-loved items, Carla Abellana rumesbak sa kanyang mga bashers.


Kamakailan laman ay ibinahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang Instagram account ang mga nakuha niyang positive feedbacks mula sa mga bumili ng kanyang mga preloved itema na sinasabing over-priced at basura na.


Sa isang screenshot, makikitang sinabihan ni Carla Abellana ang kanyang costumer na pinipintasan umano ng marami ang kanyang mga ibinibenta kaya naman pumapayag umano ang aktres i-check muna ng mga ito ang mga items at kung hindi nila magustuhan ay handa siyang magbigay ng refund.


Sa huli ay nagustuhan naman ng nasabing buyer ang kanyang ibinibenta at para sa kanila ay tama lamang ang presyo nito.


Iginiit rin ng kanyang buyer na choice ng mamimili kung bibilhin pa ang mga ganoong condition na mga gamit.


Marami rin sa mga fans ng aktres ang nagsasabing tama lamang ang presyo ni Carla Abellana sa kanyang mga item dahil mula naman ang mga ito sa mga kilalang brand.


May mga nagpapayo rin kay Carla Abellana na dedmahin na lamang ang mga bashers na nagsasabing mahal ang kanyang presyo kung pagbabasehan naman ang kondisyon ng kanyang mga ibinibenta.


May mga nagsasabing ang mga namamahalan ay iyong mga tao na hindi afford ang bumili ng mga nasabing gamit.


Matatandaan na nakatanggap ng matinding pambabatikos si Carla Abellana nitong unang bahagi ng February dahil sa pagbibenta niya ng mga preloved items.


Marami ang nagsasabing hindi na maganda ang mga quality nito subalit napakamahal pa rin ng selling price ni Carla.


May mga nagsasabi pang may isang item na mas mahal pa ang pagkakabenta ni Carla Abellana kaysa sa original selling price nito.


Kaagad naman itong pinabulaanan ni Carla Abellana at iginiit niyang hindi siya nagbibenta ng mga items na mas mahal pa kaysa sa pagkabili niya sa mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo