Cristy Fermin Itinangging Sinisiraan Niya Ng Puri Si Dominic Roque

Miyerkules, Pebrero 21, 2024

/ by Lovely


 Kaagad na sinagot ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang inilabas ng legal council ni Dominic Roque na opisyal na pahayag patungkol sa 'malicious at defamatory' comment ni Cristy Fermin laban sa pagkatao ng actor-model.


Mariing pinabulaanan ng kolumnistang si Cristy Fermin sa kamakailang episode ng Cristy Ferminute ang paratang sa kanya ni Dominic Roque na siya umano ang nagpakalat sa isyung mayroon silang relasyon ni Dapitan Mayor Bullet Jalosjos at Former Quezon City Congresmman na si Bong Suntay.


Iginiit ni Cristy Fermin na hindi siya ang nagsasabing 'benefactor' ni Dominic Roque ang dalawa dahil wala naman umano siyang pinangalanan sa kanyang showbiz vlog mapa Showbiz Now Na man o Cristy Ferminute.


Ayon kay Cristy Fermin, kailanman ay hindi naman niya sinabi sa kanyang mga vlog na si Mayor Bullet Jalosjos ang benefactor ni Dominic Roque.


Maging noon napag-usapan nila si Bong Suntay ay hindi rin umano niya ginamit ang salitang benefactor.


Ayon kay Cristy Fermin baka ibang mga vloggers umano ang nagsasabing sina Bong Suntay at Bullet Jalosjos ang benefactor ni Dominic Roque at hindi ito sa kanya nagmula.


Hinamon pa ni Cristy Fermin ang legal council ni Dominic Roque na balikan ang mga naunang episode ng Showbiz Now Na at Cristy Ferminute kung may nabanggit pa siyang benefactor ni Dominic Roque si Bullet Jalosjos.


Iginiit pa ni Cristy Fermin na kailanman ay hindi lumabas sa kanyang bibig ang pangalan ni Bullet Jalosjos sa kanyang mga vlog patungkol sa hiwalayan nina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Samantala, kahit totoo umanong nabanggit niya ang pangalan ni Bong Suntay sa kanyang mga vlog ay may paglilinaw naman siya sa kung ano ang kaugnayan nila ni Dominic at hindi rin umano niya sinabi ang salitan benefactor.


Wala rin umanong nakikita si Cristy Fermin na malisya sa kanyang mga isinisiwalat at wala rin umanong paninirang puri.


Kaya naman labis siyang nagtataka kung bakit siya ang pinupuntirya ng legal council ni Dominic Roque kung saan sinasabi ng mga ito na malicious at defamatory ang kanyang mga binibitawang mga salita.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo