Gaano Kayaman Si Dominic Roque, Ang Ex Ni Bea Alonzo?

Biyernes, Pebrero 9, 2024

/ by Lovely


 Patuloy pa ring naglalabasan ngayon ang iba't-ibang mga haka-haka patungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay nina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Marami ang naghinala na ang pangunahing dahilan ng hiwalayan ng dalawa ay patungkol sa mas mayaman umano itong si Bea Alonzo kay Dominic Roque, marami umano itong mga registered na mga ari-arian at negosyo.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung gaano nga ba kayaman si Dominic Roque ang dating fiancee ni Bea Alonzo.


Si Dominic Karl Manalo Roque, mas kilala bilang si Dominic Roque, ay isang model, actor at businessman. Isinilang at lumaki si Dominic Roque sa probinsya ng Cavite noong July 20, 1990.


Siya ang pangalawa sa apat na anak ng kanyang mga magulang na sina Anthony Roque Sr. at Lena Roque. Ang kanilang mga magulang ay kilalang mga negosyante.


Si Anthony Roque Sr. ang CEO ng kanilang kompanya habang ang kanilang ina naman ang company President. Tumutulong rin naman si Dominic Roque sa pamamahala ng kanilang mga negosyo.


Bagama't nagmula si Dominic Roque sa angkan ng mga negosyante ninais naman nito na gumawa ng sariling pangalan sa industriya ng showbiz. Unang nakilala si Dominic Roque bilang isang model sa ilang mga brands.


Taong 2010, nang unang sumabak sa pag-arte si Dominic Roque sa pangangalaga ng ABS-CBN at Star Magic. Sumabak sa kanyang kauna-unahang teleserye na Habang May Buhay na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.


Aminado naman si Dominic Roque na nais talaga niyang maging sikat na artista subalit kung hindi naman siya mabibigyan ulit ng project ay hindi naman umano niya ipipilit ang kanyang sarili sa industriya.


Taong 2012 nabigyan muli ng pagkakataon si Dominic Roque na makabalik sa industriya ng pag-arte nang makapasok siya sa audition para sa telepantasya na Aryana.


Naging maganda ang takbo ng showbiz career ni Dominic Roque mula noon, habang nasa taping siya ng nasabing teleserye ay nabigyan siya ng pagkakataon na mag-guest sa iba't-ibang mga shows at nabigyan rin siya ng maraming opportunity para sa kanyang career.


Nabigyan muli siya ng isang major role para sa noontime teleserye na May Isang Pangarap. Naging bahagi rin si Dominic Roque sa ilang mga pelikula at  teleserye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Kasabay ng pagpapalago ni Dominic Roque sa kanyang showbiz career, hindi naman nawala kay Dominic Roque ang pagpapahalaga sa kanyang pamilya at kasa-kasama niya ang mga ito sa kanyang pangarap.


Sa isang Podcast, naibahagi ni Dominic Roque  na mula noong magtapos siya ng high school sa edad na 17 ay nagsimula na siyang maghanap ng pera para makatulong sa kanyang pamilya na sa panahong iyon ay napagdesisyunan niyang umalis na sa puder ng mga ito.


Ayon sa pagbabahagi ni Dominic na ang pagtitinda ng cake sa isang bakeshop ang una niyang naging trabaho. Dahil sa mga pinagdaanan ni Dominic lalong sumidhi ang kanyang hangarin na magtagumpay sa buhay.


Dahil sa hindi aktibong showbiz career ni Dominic Roque naghanap siya ng ibang pagkakakitaan kaya naman pinasok niya ang pagnenegosyo.


Si Dominic Roque ang nagmamay-ari ng digital marketing at social management company Blackpeak Hyper Media. Ayon pa kay Dominic Roque na mas priority niya ang kanyang negosyo kaysa sa kanyang trabaho sa industriya ng showbiz subalit hindi naman umano niya ito tinatalikuran.


Bukod pa rito, may ilang mga endorsement pa rin naman siya at matagumpay naman ang kanyang pagiging content creator.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo