Karla Estrada, Nagbigay Ng Advice Sa Mga Babaeng Ine-Entertain Ang Mga Lalaking Taken Na

Huwebes, Pebrero 15, 2024

/ by Lovely


 Celebrity mom na si Karla Estrada nagbigay ng mensahe para sa mga babaeng pumapatol sa mga lalaking taken na.


Sa kamakailang episode ng Face To Face kung saan si Karla Estrada ang host, naglabas siya ng mensahe para sa isang guest kung saan inilahad niyang huwag na itong makipag-ugnayan pa sa lalaking may karelasyon nang iba.


Ayon sa naging mensahe ni Karla Estrada na kapag ang mga babae ay nilalandi ng lalaki na may mga kinakasama, may nagmamay-ari na lalo na kung may mga anak na ito dapat ang babae na mismo ang umiwas.


Hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga netizens dahil sa pinagdaanang isyu ng kanyang anak na si Daniel Padilla na pinaghihinalaan ng marami na nakikipaglandian sa ibang mga babae kahit pa may karelasyon na ito.


Matatandaan na noong November 30, 2023, tuluyan nang inamin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang paghihiwalay matapos ang mahigit isang dekada nilang pagiging magboyfriend-girlfriend.


Bagama't wala naman silang ibinigay na dahilan ng kanilang paghihiwalay marami ang naniniwala na may kinalaman ito sa cheating kung saan si Daniel ang tinuturong salarin.


Nag-ugat ang usaping ito ng maiulat sa ilang mga entertainment news site ang isyung hindi papayag si Kathryn Bernardo na makasama sa iisang proyekto si Andrea Brillantes, dahil kay Daniel Padilla.


Mula noon ay naglabasan na ang mga isyung palihim umanong nagkikita sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes na alam umano ng mga nakarelasyon noon ni Andrea, kagaya na lamang kay Ricci Rivero at Seth Fedelin.


Makalipas ang ilang linggo, nagsilabasan na rin ang iba pang mga pangalan ng mga babaeng iniuugnay kay Daniel Padilla. Marami ang naniniwala na ang mga babaeng ito ang mga nilalandi ni Daniel Padilla sa tuwing abala si Kathryn Bernardo sa kanyang showbiz career.


Dahil dito, marami sa mga netizens at bashers ni Daniel Padilla ang naniniwala na wala umanong karapatan si Karla Estrada na pangaralan ang ibang mga tao gayung hindi nga niya napapangaralan ang sariling anak na gayundin naman ang ginagawa.


May mga nagsasabi pa na sana ay unang pagsabihan ni Karla Estrada ang mga babaeng nasa listahan na kinakalantari ng kanyang anak habang sila pa ni Kathryn Bernardo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo