Karla Estrada Pinanindigan Ang Pangako Sa Kabila Ng Nangyari Sa Abs-Cbn

Biyernes, Pebrero 16, 2024

/ by Lovely


 Ipinahayag ng celebrity mom na si Karla Estrada sa kanyang speech sa naganap na contract signing ng kanyang anak na si Daniel Padilla sa Star Magic, kung gaano siya ka-loyal sa ABS-CBN.


Naging emosyunal si Karla Estrada sa kanyang naging speech noong February 12, 2024 kung saan una niyang binati ang kanyang anak sa muling pagrenew nito ng kontrata sa ABS-CBN. Kasunod nito ay inalala ni Karla Estrada ang kanilang pangako noon na kailanman ay hindi nila iiwan ang ABS-CBN.


Ipinahayag din niya kung gaano siya kasaya sa muling pagpirma ni Daniel Padilla ng kontrata at ang pagtupad umano nito sa kanilang ipinagako noon na hindi nila iiwan ang ABS-CBN anuman ang pagdaanan nito.


Ipinahayag din niya na buong angkan nila ang sumusuporta kay Daniel Padilla sa showbiz career nito at humihiling nasa mapagtagumpayan nito ang lahat ng mga hamon sa buhay.


Ikinataas naman ito ng kilay ng mga netizens dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sinuportahan noon ni Karla Estrada sa nagdaang eleksyon ang partido ng mga pulitiko na hindi pumirma na mabigyan ng panibagong franchise ang ABS-CBN.


Ayon sa ilang mga netizens na talagang mga play safe sina Daniel Padilla at Karla Estrada dahil sumuporta ang mga ito sa magkaibang partido para kung sino man ang mananalo sa pagitan ng mga ito ay hindi pa rin sila magkakaroon ng problema.


Sa kabilang banda, patuloy pa ring nakakatanggap ng mga pambabatikos si Daniel Padilla dahil pa rin sa naging hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo. Marami ang tumatawag kay Daniel Padilla bilang ingrato dahil sa kanyang pagpapanggap bilang conservative at gentleman gayung hindi naman umano ito totoo.


Sa ngayon ay pinapalampas lamang lahat ni Daniel Padilla ang mga ibinabatong isyu sa kanya at sa paninisi ng ilang mga KathNiel fans sa nangyaring hiwalayan nila Kathryn Bernardo.


@egoi_showbizinsights #danielpadilla #foreverkapamilyadaniel #kapamilyaforever #kapamilya #contractsigning #karlaestrada #showbizinsights ♬ original sound - ShowbizInsights

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo