Kilalang Aktor Nag-Ngas Ekis Na sa Producer

Martes, Pebrero 27, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang isang blind item patungkol sa isang kilalang aktor na maaring matanggal sa isang teleserye dahil sa ipinakita nitong kagaspangan sa production team.


Markado ang isang kilalang aktor sa producer ng isang pelikula dahil sa ipinakita nitong kaangasan habang nagpi-filming sila out of town. May kinunan umanong eksena, kung saan maliligo sila sa dagat kasama ang buong cast.


Ibinilin naman umano ng production staffs sa mga personal assistant ng mga artista na magdala sila ng tuwalya para may ipamunas sa mga alaga nila. Subalit, nakalimutan umano ng personal assistant ng kilalang aktor na magdala ng tuwalya para sa kanyang alaga.


Nang umahon umano ang alaga ay wala itong naibigay na pamunas, may dala naman umanong extra na tuwalya ang production team kaya ito na lamang ang inabot sa kilalang aktor.


Ang ibang mga artista na kasama nila sa set ay may kanya-kanyang dalang mga tuwalya kaya naman medyo napahiya si aktor dahil siya lang ang walang pamunas sa pag-ahon mula sa dagat.


Inakala naman ng lahat na tapos na ang eksena sa dagat, subalit biglang gumawa ng eksena si Kilalang Actor. Galit na galit nitong sinugod ang production staff at sinabing bakit tinalakan ng mga ito ang kanyang PA.


Tinanong rin nito ang production staff sa dahilan ng mababang pagtrato nila sa kanyang PA kung ito ba ay dahil sa mababa lamang ang katayuan nito sa buhay kaya hindi maganda ang trato nila.


Nagulat naman ang production staff dahil marami ang nakawitness nang tanungin niya ang PA ng kilalang actor kung bakit kinalimutan nitong magdala ng tuwalya. Hindi umano inamin ng PA na kinalimutan niyang magdala. Ipinalabas lamang umano nito na hindi siya nasabihan ng staff.


Sa labis na inis ng nasabing kilalang aktor ay muntikan na umano nitong mapagbuhatan ng kamay ang production staff.


Nang ipaliwanag naman sa kanya ang lahat ay bigla na lamang itong nag-walk out. Matapos ang ilang mga oras ay humingi naman ng paumanhin ang kilalang aktor sa production staff at sinabing nagkaroon lamang umano ng miscommunication.


Sa mas madaling salita, naging exaggerated ang mga kwento ng PA sa kilalang aktor kaya naman nagalit ito sa production staff.


Samantala, nakarating naman umano sa producer ang nasabing insidente kaya naman markado na umano ang kilalang aktor ang masama pa ay ikinuwento rin niya ito sa iba pang mga producers.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo