Kris Aquino Hinabilin Na Ang Mga Anak Sa Kaibigang Si Boy Abunda! Kris Tinaningan Na Ang Buhay?

Huwebes, Pebrero 15, 2024

/ by Lovely


 Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Kris Aquino, inilahad niya ang isang napakalungkot na balita patungkol sa totoong kalagayan ng kanyang kalusugan ngayon. 


Bagama't may mga susubukan pang gamot si Kris Aquino para sa kanyang kalagayan, hinahanda na rin niya ang kanyang sarili sa hindi magandang mangyayari sa kanya at para na rin sa maiiwan niyang mga anak.


Ayon sa pagsisiwalat ni Kris Aquino na kung sakali mang hindi na nsiyang magising ay may dalawa na siyang mga kaibigan na pinakiusapan na mag-aalaga sa kanyang mga anak at sasamahan kaagad ang mga ito roon sa Amerika.


Tila nagpapaalam na ang Queen Of All Media na si Kris Aquino sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya kung sakali mang may masamang mangyari sa kanya sa mga susunod na araw.


Isiniwalat ni Kris Aquino sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong February 14 sa mismong kaarawan niya na hindi na bumubuti ang kanyang kalagayan. Maari na lamang umano siyang atakehin sa puso anumang oras kahit sa kanyang pagtulog ay maari umanong hindi na siya magising.


Sa kabila naman nito, hindi pa rin umano siya susuko kaya naman pumayag siyang mabigyan ng isang gamot na hindi ibinibigay sa ibang mga pasyente dahil sa dala nitong risk.


Subalit, dahil hindi pa handa si Kris na iwan ang kanyang mga mahal sa buhay pumayag siyang sumailalim sa treament na ito. Sa darating na lunes ay bibigyan na umano siya ng baby dose at kung sakali mang makayanan ng kanyang katawan ay masusundan pa ito ng pangalawang dosage.


Para makumpleto ang treatment, kailangan ni Kris Aquino na makatanggap ng four doses. Napaka risky umano nito dahil sa pagsisimula ng kanyang treatment ay mawawalan na rin siya ng immunity, ibig sabihin ay maari na siyang dapuan ng kung ano-anong sakit.


Dahil dito, naghahanda na sa maaring kahihinatnan si Kris Aquino, bagama't ayaw pa niyang sumuko ay nakasalalay na lamang umano ngayon ang kanyang buhay sa Dios.


Ayon kay Kris Aquino kung sakali man may mangyari sa kanya may dalawa siyang kaibigan na pupunta kaagad sa Amerika para samahan sina Josh at Bimby, isa na sa mga ito ay si Boy Abunda.


Ngayon pa lamang ay pinasalamatan na ni Kris Aquino si Boy Abunda dahil nangako umano ito sa kanya na hindi nito pababayaan ang kanyang mga anak sakali mang mangyari ang hindi inaasahan.


Humingi na rin siya ng pasensya kay Boy Abunda sa magiging aberya nito lalo na sa trabaho. Sa ngayon ay patuloy umanong kinakapalan ni Kris Aquino ang kanyang mukha sa paghingi ng dasal mula sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya na malampasan niya ang kanyang mga dinaramdam sa ngayon.


@im_paulchester NEXT 6 MONTHS IS CRUCIAL FOR KRIS TITO BOY: ANONG MANG YAYARI SA SUSUNOD NA ANIM NA BUWAN? KRIS AQUINO: NGAYON AKO HIHINGI TALAGA NG DASAL DAHIL I REALLY NEEDED NOW. SABIHIN MAN NATIN NA DAHIL SA POLITIKA AY NA HATE NG IBA SI ATE KRIS PERO THIS TIME KAILANGAN NYA NG DASAL NATIN..... WE PRAY FOR FAST RECOVERY ATE KRIS, GAGALING KA PO🥺🙏 #fyp #foryou #foryoupage #trend #trending #krisaquino #aquino #fasttalkwithboyabubda #boyabunda #abscbnnews #gmanews #news5 ♬ original sound - PaulChester

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo