Kris Aquino Inaming Malungkot Ang Kaarawan Dahil Sa Mga Rebelasyon Ni Boy Abunda Sa Kanyang Sakit!

Miyerkules, Pebrero 14, 2024

/ by Lovely


 Ipinagdidiriwang ngayon ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino ang kanyang ika-53 na kaarawan sa mismong araw ng mga puso, gayunpaman ang mas inaabangan ng mga netizens ay ang announcement ni Boy Abunda patungkol sa kasalukuyang kalagayan ni Kris Aquino.


Samantala sa post ng isang kaibigan ni Kris Aquino na si Dindo Balares, inilahad niya ang natanggap na mensahe mula kay Kris Aquino kung saan hiniling ni Kris Aquino na huwag munang ipakalat sa social media ang totoong lagay ng kanyang kalusugan.


Ayon sa post ni Dindo Balares, nasa roof deck garden siya noon nakaraang lunes ng gabi, habang tinitingnan niya kung may nabubuong seeds ang bagong batch ng hand-polinated flowers ng satsumaimo, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Kris Aquino.


Ayon sa mensahe ni Kris Aquino, kasalukyan na umanong nagti-taping si Boy Abunda na sa episode na ipapalabas sa kanyang kaarawan kaya naman hiniling niya na sana ay hindi i-pre-empt ang mga detalye patungkol sa kanyang kalagayan.


Hiniling rin ni Kris Aquino na patuloy lamang siyang isama sa mga panalangin at maniniwalang kakayanin niya ang lahat.


Ibinahagi rin ni Kris Aquino kay Dindo ang buong detalye ng kanyang kalusugan subalit hindi pa umano maaring ipahayag ito ni Dindo sa publiko.


Hintayin na lamang umano ang isisiwalat ni Boy Abunda patungkol sa totoong kalagayan ni Kris Aquino.


Kung pagbabasehan ang naging pahayag ni Dindo, mahihinuhang isang malungkot na balita ang isisiwalat ni Boy Abunda.


Matatandaan na nauna nang isiniwalat ni Kris Aquino sa kanyang social media post ang pagkakaroon niya ng panibagong health conditions at ang paglala naman sa kanyang nararamdamang sakit.


Bukod pa rito, patuloy pa rin niyang nilalabanan ang kanyang mga sakit kahit pa aminado siyang unti-unti na siyang nahihirapan. Nawawalan na rin umano siya ng gana sa pagkain kaya naman kadalasan ay gatas na lamang ang kanyang iniinom.


Subalit hindi umano ito sapat lalo na't may karamdaman siya kaya naman pinapayuhan siya ng kanyang mga doctor na kumain ng solid foods upang madagdagan ang kanyang timbang at maiwasan ang mga complications kagaya na lamang ng heart failure.


Sa ngayon, patuloy na hinihingi ni Kris Aquino ang panalangin ng mga taong nagmamahal sa kanya at sa kanyang buong pamilya. Patuloy pa rin umano siyang lalaban para sa kanyang dalawang anak na nangangailangan sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo