Marco Gumabao Nainins Kay Daniel Matapos Magbigay Ng Message Kay Kathryn

Miyerkules, Pebrero 14, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang ilan sa mga dating kaibigan ng aktor na si Daniel Padilla dahil sa sinasabing mga reaksyon nito sa mga pahayag na binitawan ng aktor sa kamakailang contract signing niya sa Star Magic at ABS-CBN.


Matatandaan na nitong February 12, 2024 muling pumirma ng kontrata si Daniel Padilla sa Star Magic at sa ABS-CBN matapos kumalat ang mga haka-haka na aalis na ito roon dahil sa naging hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Samantala, hindi naman umano nagustuhan ng isa sa mga dating kaibigan ni Daniel Padilla na si Marco Gumabao ang pahayag ni Daniel Padilla kung saan pinasalamatan nito si Kathryn Bernardo dahil pinagmulan ito ng kontrobersiya laban sa aktres.


Sa naganap na contract signing ni Daniel Padilla, taos-puso siyang nagpasalamat kay Kathryn Bernardo na nakasama niya ng matagal sa loob at labas ng showbiz industry.


Bagama't may mga hindi sila magandang pinagsamahan na dalawa, hindi pa rin umano mawawala sa kanyang isipan ang mga masasayang alaala na pinagsamahan nilang dalawa. Lalo na ang mga pinagsamahan nilang mga proyekto at travels nang magkakasama.


Tila hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga kaibigan ni Kathryn Bernardo dahil napunta umano ngayon si Kathryn Bernardo sa alanganin dahil sa pahayag ni Daniel Padilla.


Matatandaan na noong si Kathryn Bernardo ang pumirma ng kontrata sa Star Magic at ABS-CBN ay hindi man lamang nito binanggit ang pangalan ni Daniel Padilla sa kabila ng mga pinagdaanan nila ng magkasama.


Hindi rin noon nabanggit ni Kathryn Bernardo ang KathNiel fans sa kanyang speech dahil tila iwas na iwas si Kathryn na mapunta kay Daniel Padilla ang kanilang usapan.


Marami naman sa kanyang mga fans ang nakakaintindi sa mga pinagdaanan ni Kathryn Bernardo dahil hindi rin naman maganda ang ginawa sa kanyang panloloko ni Daniel Padilla kaya naman alam nilang mahirap pa rin para sa aktres na balikan ang mga alaala nilang dalawa.


Subalit napaka-unfair naman umano nito sa mga KathNiel fans na nakasama nila sa mahabang panahon kahit pa noong hindi pa sila magkasintahan ni Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, umaani naman ng papuri para kay Daniel Padilla ang kanyang pagbibigay ng mensahe para kay Kathryn Bernardo at sa lahat ng mga KathNiel fans na labis-labis ang pagsuporta para sa kanilang dalawa.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalabas nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay. Matatandaan na pawang mga haka-haka lamang ang kumakalat ngayon patungkol sa hiwalayan ng KathNiel makalipas ang 11 years nilang relasyon.



@lei42nado nagpasalamat si Dj kay @bernardokath #fyp #foryou #foryoupage ♬ Piano solo Positive and warm 3-minute song - Quetzal BGM

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo