Naglabas na pahayag ang actress-host na Mariel Rodriguez matapos makatanggap ng pambabatikos dahil sa ginawa niyang pagpapagluta drip sa loob ng opisina ni Senator Robin Padilla sa Senado.
Umani pambabatikos at mga negatibong komento mula sa mga netizens ng ibahagi niya sa kanyang social media ang kanyang larawan habang nagpapadrip siya loob ng opisina ng kanyang mister na si Robin Padilla sa Senado.
Matatandaan na dumalo si Mariel Rodriguez sa pagpasa ng Eddie Garcia Bill sa Senado upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa kanyang mister na si Sen. Robin Padilla. Matapos ang meeting ay ibinahagi naman ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram account ang kanyang gluta-drip na ginawa umano niya sa loob ng opisina ng kanyang mister.
Ayon sa caption ni Mariel Rodriguez, naka-schedule siya na magpadrip sa isang clinic subalit mali-late na siya sa meeting sa senado kaya naman naisipan niya ipagawa na lamang ang session sa loob ng opisina ng kanyang mister.
Matapos makatanggap ng mga negatibong komento kaagad naman binura ni Mariel Rodriguez ang kanyang post subalit tila huli na ang lahat dahil patuloy pa rin siyang binabatikos ng mga netizens.
Marami ang nagsasabing nawalan na ng delikadesa si Mariel Rodriguez na hindi man lang nito nirespeto ang opisina ng kanyang mister na pinapaswelduhan ng pera na mula sa kaban ng bayan.
Dahil sa natatanggap na pambabatikos, napagpasyahan ni Mariel Rodriguez na magbigay ng pahayag at linawin ang kabuuang detalye ng kanyang ginawang procedure sa loob ng opisina.
Ayon sa paglilinaw ni Mariel, nagpunta siya sa senate upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa bill na ng kanyang asawa sa kabila ng kanyang busy schedule bilang isang asawa, in at online seller. Nais umanong suportahan ni Mariel Rodriguez ang trabah ng kanyang asawa na alam niyang napakahalaga para rito.
Nilinaw din ni Mariel Rodriguez na ang natanggap niya ay Vitamin C Drip hindi Gluta Drip sa supervision ng isang professional nurse.
Iginiit din ni Mariel Rodriguez na ang kanyang intention sa pagbabahagi ng kanyang larawan ay para i-inspire ang mga netizens na kahit gaano pa sila kaabala sa kanilang mga activities ay kailangan pa rin nilang i-prioritize ang kanilang health by taking vitamins.
Wala rin umano sa kanyang intention ang pag-malign or undermine the integrity and dignity of the Senate.
Humingi rin si Mariel ng apologies para mga concerned kabilang na ang mga members at staff of the Senate and the public.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!