Matapos isiwalat ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang totoong kalagayan niya ngayon habang patuloy na lumalaban sa kanyang mga sakit, may napansin ang mga netizens sa ginagawa ni Kris Aquino.
Ayon sa ilang mga netizens, napansin nila na palaging kasama ni Kris Aquino sa mga ibinabahagi niyang mga larawan sa social media na palaging katabi niya ang kanyang mga anak.
Tila hindi umano pinapalampas ni Kris Aquino ang pagkakataon na makasama at maalagaan pa niya sina Joshua Aquino at Bimby Aquino. Marami naman ang lalong naawa kay Kris Aquino dahil maaring hindi na niya makasama ng matagal ang kanyang mga anak.
Marami rin ang humihiling na sana ay malampasan ni Kris Aquino ang matinding pagsubok na ito patungkol sa kanyang kalusugan. May mga humahanga rin kay Kris dahil sa pagiging matatag at matapang nito sa pagharap sa kanyang mga karamdaman.
Matatandaan na naging emosyunal si Kris Aquino nang aminin niya ang kanyang totoong kalagayan at humiling sa mga netizens na sana ay tulungang siyang manalangin na mabigyan pa ng mahabang oras para makasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay.
Hiniling rin ni Kris Aquino na gusto pa niyang makitang mag-18 years old ang kanyang anak na si Bimby Aquino na kasalukuyan ay 16 years old pa lamang.
Inamin rin ni Kris Aquino na hindi pa siya handang iwan ang kanyang mga anak lalo na si Josh na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may special na pangangailangan.
Marami sa mga netizens ang nagsasabing tila sinusulit umano ngayon ni Kris Aquino ang pagkakataon na makasama ang kanyang mga anak kahit pa sa pagtulog dahil marami na rin siyang mga restrictions dala ng maselan niyang kalusugan.
"Please help me pray for my doctors and my nurses so that God will continue to guide them as they try to heal me. I have always believed in sharing the TRUTH no matter how painful with all of you. Why? Because sinamahan nyo ako sa laban. Sana wag tayong sumuko sa ating pananampalataya na nakikinig ang Diyos sa mga Dasal ng buo ang tiwala sa Kanya," panalangin ni Kris Aquino.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!