Ogie Diaz Ipinagtanngol Ang Bagong Karelasyon Ngayon Ni Xian Na Si Iris Lee Laban Sa Fans Ni Kim!

Lunes, Pebrero 19, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay ng saloobin ang kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa patungkol sa pagkakaroon ng panibagong girlfriend ng aktor na si Xian Lim ilang buwan matapos aminin ang hiwalayan nila ng kanyang girlfriend for more than 12 years na si Kim Chiu.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin maiiwasan na mahusgahan ng ilang mga netizens at fans ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang dating nobyo nito na si Xian Lim na may panibagong babae nang nagpapasaya sa kanyang puso.


Bukod pa rito, marami ang naiinis sa aktor dahil tila ginamit lamang umano nito ang pangalan ni Kim Chiu na hindi naman nawala ang kasikatan para kahit papaano ay makilala rin siya sa showbiz lalo na sa panahong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang showbiz career.


Naging mainit sa mga mata ng ilang mga netizens ang kumalat na larawan ni Xian Lim na may kaakbay na babae na nakahawak pa sa kamay niyang nasa balikat nito.


Hinala ng mga netizens na ito na ang panibagong girlfriend ni Xian Lim na siyang ipinalit niya sa kanyang dating nobya na si Kim Chiu. May mga naglabasan ring speculations na ang babaeng ito ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila.


Subalit, marami pa rin ang naniniwalang walang third party dahil naging opisyal lamang ang relasyon ng dalawa matapos ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Sa kabila naman ng mga natatanggap na pambabatikos ng aktor, naniniwala pa rin ang kanyang mga tagahanga na wala namang masama sa pagkakaroon nito ng panibagong girlfriend ngayon dahil, una sa lahat ay single na ito.


Matagal na umanong naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim kaya deserve naman ng aktor na sumaya ngayon kasama ang babaeng handa siyang makausap anumang oras. Bukod pa rito, tila masaya na rin naman umano ngayon ang aktres kaya naman deserve nilang dalawa na magkaroon ng panibagong pag-ibig na magpapasaya sa kanila pareho.


Maging ang kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ay naglabas na rin ng saloobin patungkol sa pagkakaroon ng panibagong girlfriend ni Xian Lim. Sa isang episode ng kanilang programa, naitalakay nila ang patungkol sa nasabing isyu.


Ayon kay Ogie Diaz, wala naman umanong masama kung sakaling totoong may relasyon na sila dahil hindi naman umano ito isinabay ni Xian Lim sa dating relasyon nila ni Kim Chiu.


Kung sakaling totoo rin umano ito, maaring sabihin na unang nakapagmove on si Xian Lim kaysa kay Kim Chiu dahil nakatagpo kaagad ng babaeng mamahalin. Samantalang hindi naman umano maitatanggi na nasasaktan parin si Kim Chiu dahil panay pa rin ang mga hugot nito sa tuwong naghu-host siya sa segment ng It's Showtime na Expecially For You.


Bukod pa rito, pinabulaanan din ni Ogie Diaz ang isyung nagkakamabutihan na sina Kim Chiu at Xian Lim dahil magkaibigan at magkasama lamang sila sa ilang mga projects.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo