Pinoy Big Brother Mapapanuod Sa GMA-7

Miyerkules, Pebrero 21, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at entertainment news sites ang balitang magbabalik na ang kilalang reality show ng ABS-CBN, na pinagmulan ng mga de-kalibreng mga artista sa industriya ng showbiz.


Kumakalat ngayon ang mga balitang magbubukas nang muli ang bahay ni Kuya o ang reliaty talent search na Pinoy Big Brother kung saan magsasanib umano ang pwersa ng GMA Network at ABS-CBN Studios.


Sa episode ng Ogie Diaz Showbiz Update nitong February 20, 2024, naisiwalat ni Ogie Diaz ang balitang nakarating sa kanya kung saan magsasanib pwersa umano ang dalawang malaking network, ang GMA at ABS-CBN para sa muling pagbubukas ng Pinoy Big Brother.


Sa ngayon ay hindi pa naman umano ito kinukumpirma ni Ogie Diaz at nararapat na hintayin na lamang umano ang mga official statements ng mga nasabing networks.


Kung si Ogie Diaz naman ang tatanungin magiging maganda naman umano kung sakaling magsasanib pwersa ang dalawang networks katulad na lamang sa collaboration nila noon sa teleseryeng Unbreak My Heart.


Hindi naman umano alam ni Ogie Diaz kung sa mismong GMA-7 ba ipapalabas ang Pinoy Big Brother kung sakali mang matuloy ang kanilang usapan o kung sa GTV rin ito lalabas kung saan kasalukuyang umiere ang It's Showtime.


Marami naman ang naniniwala na may posibilidad ang mga isiniwalat ngayon ni Ogie Diaz dahil maasahan naman ang mga sources nito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na kadalasan sa mga isinisiwalat na mga balita ni Ogie Diaz ay may katotohanan talga katulad na lamang noong inulat niya lilipat sa GTV ang It's Showtime matapos ibigay ng TV5 ang kanilang timeslot sa show na pangungunahan ng TVJ.


Maging noong naisiwalat ni Ogie Diaz ang patungkol sa hiwalayan ng ilang mga celebrity couples kabilang na ang KathNiel.


Samantala kung sakali mang matutuloy ang partnership ng dalawa ngayon para sa nasabing reality show, may pagkakataon na magkakaroon ng malalim na ugnayan ang mga artista at maaring dahil rito ay tuluyan nang matitigil ang network war.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo