Proposal ni Dominic Roque, Scripted Pinilit Lamang ni Bea Alonzo

Biyernes, Pebrero 23, 2024

/ by Lovely


 Isiniwalat ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang posibilidad na tila scripted ang proposal nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Sa kamakaialang episode ng showbiz vlog nina Manay Cristy Fermin, sinabi ni Cristy Fermin na sinabi ng isang source sa kanya tungkol sa plano umano ni Bea na i-orchestrate ang proposal noong July 19, 2023 ni Dominic Roque.


Sa pagkakaalam ng lahat na ang nangyaring proposal ay sorpresa ni Dominic para kay Bea, na inakala lamang umano na may ginagawa lang siyang project sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan.


Subalit, hinala ni Cristy Fermin na plano itong lahat ni Bea Alonzo.


Pahayag ni Cristy Fermin, may nagkwento umano sa kanya na ang proposal ni Dominic kay Bea ay staged at ang planong ito ay nagmula sa kampo ng aktres. Kaya naman parang pilit lang ang lahat.


Matatandaang nagbahagi rin si Cristy tungkol sa mga posibleng dahilan kung bakit nagdesisyon si Bea Alonzo na kanselahin ang engagement nila ni Dominic Roque matapos isiwalat ng aktor ang ilang mga detalye ng kanilang kasalan umano.


Ang mga rebelasyon ito na ginawa ni Cristy Fermin ay nakakuha na ng atensyon ng kampo ni Dominic Roque kung saan binalaan nila ang kolumnista na maaaring managot sa korte dahil sa mga maling impormasyon na ipinapakalat nito.



Kaagad naman itong sinagot ni Cristy Fermin kung saan iginiit ni Cristy na wala siyang binanggit na pangalan habang tinatalakay ang mga posibleng dahilan ng breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo