Reaksyon Ni Kris Aquino Sa Nagsabing Karma Ang Kanyang Pagkakasakit

Biyernes, Pebrero 16, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang Queen of All Media laban sa mga taong nambabatikos pa rin sa kanya dahil sa isyung political, na kamakailan lamang ay umamin sa totoong estado ng kanyang kalusugan ngayon habang patuloy na nakikipaglaban sa kanyang mga kalagayan.


Sinagot na ni Kris Aquino ang mga netizens at bashers na nagsasabing kaya nagkakaroon siya ng maraming mga karamdaman dahil mayroon siyang masamang pag-uugali. May mga nagsasabi pang nakarma si Kris Aquino sa mga naging kasalanan niya at ng pamilya niya noon.


Kaagad naman itong sinagot ni Kris Aquino kung saan iginiit niya na kailanman ay hindi niya itinuturing na karma ang kanyang sakit.


Sa isang social media post ni Kris Aquino para sa namayapang si Deo Endrinal, inilahad ni Kris Aquino ang matagal na tampuhan sa pagitan nilang dalawa.


Sa comment section ng nasabing post ni Kris Aquino may mga netizens na nagsasabing kaya siya nagkakasakit dahil nakarma siya sa kanyang masamang ugali.


Ayon kay Kris Aquino, hindi umano siya magbibigay ng anumang komento para sa taong nambabash sa kanya dahil hindi siya bababa sa level nito. ang kanyang pagkakasakit ay isang paraan para maipakita ang pananampalataya.


Buong sagot ni Kris Aquino, "Obviously not as awful as yours because I've made a conscious effort to not judge people I've never met nor had  a personal encounter with, illness isn't karma- its God's way of using my trials to show that FAITH does heal in His time."


Matatandaan na kamakailan lamang ay inamin ni Kris Aquino sa social media ang totoong kalagayan ng kanyang pangangatawan ngayon habang patuloy pa ring nilalabanan ang kanyang mga autoimmune diseases.


Nadadagdagan pa ang mga problema ngayon ni Kris Aquino dahil nagkaroon na rin siya ng mga complications sa kanyang lungs at heart.


Sa ngayon ay patuloy pa rin hinihingi ni Kris Aquino ang panalangin na sana ay malampasan niya ang mga pagsubok sa kanyang buhay at tuluyan na siyang gumaling mula sa kanyang mga karamdaman na labis na nagpapahirap na ngayon sa kanya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo