Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang patungkol sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez dahil sa umano'y plano ni Richard Gutierrez na pagsasampa ng kaso kay Sarah Lahbati para sa makuha ang full custody ng kanilang mga anak.
Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa ginawang legal action ni Richard Gutierrez laban sa kanyang estranged wife na si Sarah Lahbati.
Sa kamakilang episode ng Showbiz Now Na nina Manay Cristy Fermin, napag-usapan nila ang nakarating na balita sa kanila patungkol sa plano ni Richard Gutierrez na ilaban sa korte ang full custody ng kanilang mga anak ni Sarah Lahbati na sina Zion at Kai.
Ayon kay Cristy Fermin, nakarating sa kanila ang balitang matutuloy na ang pagsasampa ni Richard Gutierrez ng kaso kay Sarah Lahbati para makuha na niya ang full custody ng kanilang mga anak.
Isiniwalat din ni Cristy Fermin na tila matatagalan pa ang annulment nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil may kumukuntra umano rito sa panig ng aktor.
Ayon pa kay Cristy Fermin, mas maganda na rin umano kung makukuha ni Richard Gutierrez ang mga bata kay Sarah Lahbati dahil sa tingin niya hindi umano nabibigyan ng saktong atensyon ni Sarah Lahbati ang mga bata.
Pagdidiin pa ni Cristy Fermin na may karapatan naman si Richard Gutierrez na magsampa ng kaso sa korte kung sa tingin niya ay mayroong pagkukulang ang kanyang ex-wife sa pagbibigay ng atensyon at pag-aalaga sa kanyang mga anak.
Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noong huling bahagi ng taong 2023 ang hiwalayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang mapansin ng mga netizens na hindi na sila nagbabahagi ng mga larawan na magkasama, maging sa mga special na mga okasyon.
Tila nakumpirma naman ito ng hayagang nagbigay ng pahayag si Annabelle Rama sa isang panayam kung saan inilahad niyang sa kanya na umuuwi ang kanyang anak na si Richard Gutierrez at kung gaano ka waldasera si Sarah Lahbati.
Samantala, hannggang ngayon ay hindi pa rin naman nililinaw nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez kung ano ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay subalit tila seryoso ito dahil hindi na umano nag-uusap ang dalawa at idinadaan na lamang sa kani-kanilang mga abogado ang pag-uusap sa mga mahalagang detalye lalong-lalo na patungkol sa kanilang annulment.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!