Ruffa Gutierrez at Gretchen Barretto Nagkaayos Na Matapos Ang Kanilang Alitan Noong 2019

Lunes, Pebrero 19, 2024

/ by Lovely


 Ikinatuwa ng maraming mga netizens nang makitang magsama sa iisang event sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez na naganap noon pareho silang dumalo para sa ika-100 na kaarawan ng former senate president Juan Ponce Enrile.


Kahapon, February 18, 2024 sa Instagram post ng eventologist na si Tim Yap ibinahagi niya ang isang short video kung saan makikitang kasama niya sina Gretchen Barretto, Ruffa Guiterrez at Small Laude.


Kaagad naman umano ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinahaging video ni Tim Yap. Marami ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan dahil sa wakas ay nagka-ayos na umano sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez.


May mga pumuri rin naman kay Tim Yap dahil ibinabahagi niya sa kanyang social media account ang pagsasama at pagkakaayos ng mga kilalang personalidad na nagkaroon ng alitan. Matatandaan na ibinahagi rin noon ni Tim Yap sa kanyang social media account ang pagkikitang muli at pagkakaayos nina Heart Evangelista at Marian Rivera.


Kung matatandaan na taong 2019 nang sumiklab ang parinigan sina Ruffa Gutierrez at Gretchen Barretto. Noong panahong iyon ay nasa kalagitnaan din ng hindi pagkakaunawaan an Barretto Family na kinakasangkutan naman ng tatlong magkakapatid na si Gretchen Barretto, Claudine Barretto at Marjorie Barretto bukod sa kanila nakisali na rin ang kanilang pamangkin na sina Julia Barretto at Nicole Barretto.


Sa pagkakataong iyon, walang pinapalampas na komento si Gretchen Barretto mapa-netizen man o katulad niyang celebrity na hindi niya nagugustuhan.


Noong November 2019, ibinahagi ni Gretchen Barretto ang screenshot ng post ni Julia Barreto kung saan makikita ang larawan ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto. Makikita rin sa nasabing screenshot ang komento ni Ruffa Gutierrez na nagkomento ng 'fresh' sa nasabing post.


Sa caption ng post inihayag ni Gretchen Barretto ang pagiging sawsawera ni Ruffa Gutierrez. 


Mensahe ni Gretchen Barretto sa para kay Ruffa kanyang post, "sawsaw pa more ruffy! take it! take!"


Ang tinutukoy na 'take it, take it' ni Gretchen Barretto ay ang kinasangkutan nilang Manila Film Festival 1994 Scam.


Makalipas naman ang ilang minuto ay nagbahagi naman ng isang cryptic post ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account.


Mensahe sa post ni Ruffa Gutierrez, "The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF"


Bagama't walang pinangalanan si Ruffa Gutierrez sa kanyang iniuugnay ito ng mga netizens kay Gretchen Barretto.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo