Sa Wakas! Nanay Ni Heart Hindi Na Masama Ang Loob Kay Chiz! Dumalo Na Sa Renewal of Vows!

Biyernes, Pebrero 16, 2024

/ by Lovely


 Naging laman sa mga usap-usapan sa social media ang nakakakilig na renewal og vows ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista nitong hwebes February 15, 2024 sa Balesin Island.


Labis na lumutang ang ganda ni Heart Evangelista habang naglalakad sa aisle bakas sa mukha ang kasiyahan.


Tuwang-tuwa naman ang kanilang mga tagahanga sa matatag na pagsasama nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa kabila ng mga pinagdaanang marital issues sa loob ng siyam na taon nilang pagsasama.


Sa naganap na renewal of vows nina Heart Evangelista at Chiz Escudero ay nakadalo na rin ang ina ng fashion icon na si Cecile Ongpauco. Subalit, sa kasamaang palad ay hindi naman nakadalo ang ama nito na si Rey Ongpauco dahil kasalukuyan itong nagpapagamot sa United States.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga loyal fans nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ang natutuwa dahil sa wakas ay nakadalo na rin ang ina nitong si Cecile dahil hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat ang nagdaang isyu sa pagitan nila noong nagpakasal si Heart Evangelista kay Chiz Escudero.


Matatandaan na parehong hindi dumalo sa kasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ang parehong mga magulang ng aktres. Lalo pa itong naging kontrobersyal nang isapubliko ng mga ito ang kanilang pagtutol sa relasyon nina Heart Evangelista at Chiz Escudero.


Sa isang opisyal na pahayag noon ng ina ni Heart Evangelista tinawag pa niya noon si Chiz Escudero na isang arogante, alcoholic at bastos na tao. Noong 2015, tanging liham lamang ang natanggap ni Heart Evangelista mula kanyang ama sa mismong araw ng kasal nito.


Subalit, ngayon ay tila naging maayos naman ang kanilang relasyon ngayon at inamin na ng ama ni Heart Evangelista na nanghinayang siya na hindi siya dumalo sa kasal ng kanyang anak at sana ay noon pa sila nagkaayos.


Ang labis pa na ikinatuwa ng mga fans ni Heart Evangelista dahil mismong ang ina na nitong si Cecile ang naghatid sa kanya sa altar. Makikita pa sa video ang pagiging emosyunal nito habang yakap-yakap si Heart Evangelista.


Matatandaan na hinangaan rin ng mga netizens ang ginawang pagsuporta noon ni Cecile sa mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista nang magkaroon sila ng isyu noong 2022. Napapabalita kasi noon ang paghihiwalay nina Chiz Escudero at Heart Evangelista.


@celebrity_clips8 #fyp #fypã‚· #foryoupage #foryoupageofficiall ♬ original sound - D

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo