Sikat Na Child Star Noon, Pipirma Na Sa Abs Cbn Star Magic!

Miyerkules, Pebrero 14, 2024

/ by Lovely


 Malaki ang pasasalamat ng aktres na Xyriel Manabat sa kanyang muling papirma ng kontrata sa ABS-CBN at sa Star Magic.


Si Xyriel Manabat ay isang magaling na artista na nagsimula sa larangan bilang child actress. Pansamantalang natigil ang showbiz career ni Xyriel Manabat nang lumaganap ang pandemya at noong nawalan ng prangkisa ang AB-CBN.


Si Xyriel Manabat ay isa mga artista na talagang nag-iiwan ng marka sa mga manonod ng kanyang mga ginagampanang karakter. Ayon naman kay Xyriel Manabat, masaya siya sa kanyang mga napagdaanan noon mula sa kanyang mga big breaks hanggang sa kanyang pinakabagong mga proyekto.


Samantala, hindi naman nagbago ang kanyang mga tagahanga sa pagsusubaybay sa kanyang showbiz journey mula noon hanggang ngayon sa kanyang pagbabalik.


Matatandaan na mabilis na sumikat si Xyriel Manabat sa kanyang mga natatanging pagganap bilang child actress noon sa mga seryeng Agua Bendeta at 100 Days To Heaven.


Tumatak sa mga manonood ang kanyang mga natatanging pagganap sa mga seryeng ito na isa sa mga dahilan kung bakit nahirang siya bilang Best Child Actress.


Sa kabila ng kasikatan noon ni Xyriel Manabat, nagpasya siyang pansamantalang iwan ang magulong mundo ng showbiz upang pagtuunan ng pansin ang kanyang personal na buhay. Umabot pa ito sa mahigit anim na taong pamamahinha.


Kaya naman labis siyang natutuwa ngayong smooth siyang nakabalik sa larangan ng pag-arte kung saan una siyang napanood sa hit teleserye na Dirty Linen.


Samantala sa isang panayam, inamin ni Xyriel Manabat na bago pa man siya sumalang sa Ditry Linen hinanda niya ang kanyang sarili at iniisip na stable siya.


Isa rin umano sa mga dahilan ng kanyang matagumpay na pagbabalik sa showbiz ay ang kaalamang handa siyang tanggapin ng Star Magic.


Dahil dito, malaki umano ang pasasalamat niya sa ABS-CBN sa tiwala na ibinigay nito sa kanya at sa kanyang talento.


Kamakailan lamang, ay napasama si Xyriel Manabat sa hit Kapamilya serye na Senior High kung saan tumatak sa mga netizens ang kanyang pagganap. Umani rin siya ng mga papuri mula sa mga netizens at sa mga manonood sa magaling niyang pagganap sa kanyang karakter.


@pikapikashowbiz Xyriel Manabat, manikang "Baby Alive" ang isa sa unang binili from her TF #XyrielManabat #ABSCBNBall2023 #ABSCBNRedCarpet2023 #ABSCBNBall2023RedCarpet #BabyAlive #EntertainmentNews #PikapikaPH #CelebrityPH #TiktoktainmentPH ♬ original sound - Pikapika PH

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo