Sino Si Iris Lee, Ang Bagong Girlfriend Ni Xian Lim

Martes, Pebrero 20, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens lalong-lalo na ang mga tagahanga ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang napapatanong ngayon kung sino nga ba si Iris Lee, ang babaeng iniuugnay ngayon kay Xian Lim bilang panibagong girlfriend ng aktor.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms kung sino at kung ano nga ba ang totoong katauhan ni Iris Lee at kung bakit ito ang ipinalit ni Xian Lim sa kanyang girlfriend for 12 years na si Kim Chiu.


Unang nalink si Iris Lee kay Xian Lim noong hindi pa inaamin nina Kim Chiu at ng aktor ang kanilang paghihiwalay. Kumalat noon ang mga larawan ng dalawa na magkasama sa iisang event at tila malapit sa isa't-isa.


Kusa namang nawala ang isyu dahil marami parin ang naniniwala sa mga panahong iyon na walang katotohanan ang isyung pagihihiwalay nina Kim Chiu at Xian Lim dahil matagal na ang kanilang relasyon at sinubok na rin ito ng panahon.


Bukod pa rito, iginiit din ng ilang mga showbiz columnists na wala namang third party sa hiwalayan nilang dalawa kundi ang kawalan ng plano ni Xian Lim na pakasalan si Kim Chiu ang dahilan kung bakit tinapos nila ang kanilang relasyon.


Subalit, muling umingay ang pangalan ni Iris Lee noong nakaraang Valentine's Day ng kumalat sa social media ang mga larawan nila ni Xian Lim na magkasama sa ilang mga events.


Dahil dito napagtagni-tagni ng mga netizens na baka noon pa man ay may lihim ng intindihan sina Iris Lee at Xian Lim na nabigyan kalayaan lamang noong tuluyan nang maghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.


Samantala, marami naman ang napapatanong ngayon kung ano nga ba ang katauhan ni Iris Lee at kung saan siya nagsimula.


Si Iris Charmaine Lee ay ipinanganak noong June 1, 1991,sa isang Filipinong ina na si Linda Lee at isang Chinese na ama. 


Base sa kanyang Instagram account, mayroong tatlong kapatid si Iris Lee, dalawa ang nakakatanda sa kanya na sina Peidi Lee at Liane Shaira Lee, mayroon naman siyang nakababatang kapatid na si Celine Arian Lee, na isang rising star sa larangan ng visual arts.


Itinuloy ni Iris ang kanyang hilig sa pelikula sa pamamagitan ng pagkuha ng Bachelor of Arts in Film, Cinema, and Video Studies sa University of the Philippines Film Institute, na kilala rin bilang UP Film Institute o UPFI —paaralan ng pelikula ng UP Dilliman.


Mula noong Oktubre 2018, siya ay naging mahalagang bahagi ng Viva Communications, Inc., na nagsisilbing senior associate producer.


Ang mga responsibilidad ni Iris ay sumasaklaw sa pre-production, post-production management, program production, script development, creative pitching, at budgeting.


Kabilang sa mga kilang proyekto na kinabibilangan niya bilang producer ay  Sisters Forever noong 2018, Deleter noong 2022, Iskandalo noong 2022, Erotica Manila na ipinalabas taong 2023, Hello, Universe! taong 2023, Araro noong 2023, Stalkers taong 2023, Ganti-Ganti noong 2023.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo