Spotted Ulit Na Magkasama Muli sa Airport Si Ivana Alwi at Mayor Albee Second Time around

Biyernes, Pebrero 16, 2024

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites sina Bacolod City Mayor Albee Benitez at sexy-actress-vlogger na si Ivana Alawi dahil muli na naman silang namataan na magkasama at hindi na umano kapani-paniwala na isa lamang itong coincidence.


Sa pagkakataong ito ay kasama naman ni Ivana Alawi ang kanyang mga kapatid na sina Mona at Hash Alawi, subalit ang ikinataas ng kilay ng mga netizens ay ang napansin nila na magkasunod na namang nakapila sina Mayor Albee Benitez at kapatid ni Ivana Alawi na hindi na umano kapani-paniwalang nagkataon lamang ang lahat kagaya ng naging palusot ni Ivana Alawi noon.


Matatandaan na nauna nang pinabulaanan nina Ivana Alawi at Mayor Albee Benitez ang mga kumakalat na alegasyon patungkol sa pagkakaroon nila ng relasyon matapos kumalat ang mga larawan na magkasama sila sa Baguio, sa airport at sa pagbabakasyon sa Japan.


Ayon sa naging pahayag noon ni Mayor Albee Benitez, hindi maiiwasan sa nature ng kanyang negosyo na mamataan siyang kasama ng ilang mga artista kabilang na rito si Ivana Alawi.


Humingi rin ng paumanhin noon si Mayor Albee Benitez kay Ivana Alawi at sa buong pamilya nito sa perwisyong naidulot niya at sa mga maling impormasyon na kumakalat sa social media.


Samantala, inilahad naman ni Ivanna Alawi sa kanyang official statement na walang katotohanan ang mga isyung may romantikong ugnayan sa pagita nila ng Bacolod Mayor. Hindi naman itinanggi ni Ivana Alawi na kilala niyang personal si Mayor Albee Benitez, ayon pa sa kanya ay nagkakilala na silang dalawa noong nagkaroon siya ng show sa Bacolod City.


Dahil mabait naman umano ang alkalde at very accommodating naging magkaibigan silang dalawa. Ipinunto pa ni Ivana Alawi na hindi na sana siya magsasalita patungkol sa isyu dahil wala naman itong katotohanan subalit nadadamay na rin sa isyu ang kanyang ina at mga kapatid.


Iginiit pa ni Ivana Alawi na mayroon na siyang boyfriend na hindi isang politician kundi isang negosyante.


Sa muling pagkalat ng mga larawang ito, lalong nalalagay sa alanganin si Ivana Alawi sa mata ng publiko lalo na sa pagkakataong ito na kasama na sa larawan ang kanyang mga kapatid. 


Marami ang hindi makapaniwalang pumatol umano si Ivana Alawi sa isang lalaki na kung babasehan ang edad ay papasa na bilang kanyang ama. Bukod pa rito, maganda naman siya at may promising career kaya kataka-kataka lamang na pumatol siya sa lalaking  hindi pa rin pala hiwalay sa kanyang asawa.


Sa kabilang banda, tila naging malaman naman ang mga post ni Bettina Benitez sa kanyang social media accounts kung saan inilahad nitoa ng kanyang appreciation para sa sacripisyo ng kanilang ina para sa kanilang pamilya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo