Super Star Sa Abs Cbn Anong Nangyare? Bea Alonzo Taga Salo Ng Ayaw Na Serye Ni Marian Rivera?!

Miyerkules, Pebrero 14, 2024

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms ang mga isiniwalat ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz patungkol kina Bea Alonzo at Marian Rivera.


Sa isang episode ng showbiz vlog nina Ogie Diaz inilahad nila ang nakarating na tsika sa kanila patungkol kina Marian Rivera at Bea Alonzo. Ayon kay Myrna, ini-ooffer lamang umano kay Bea Alonzo ang isang project kapag tinaggihan na ito ni Marian Rivera.


Napag-usapan nina Ogie Diaz, Ate Myrna at Mama Loi ang magkaibang kagustuhan nina Bea Alonzo at Dominic Roque patungkol sa kanilang kasal.


Ayon kay Ogie Diaz, may nais umanong ma-achieved si Bea Alonzo sa kanyang kasal na once in a lifetime lamang mangyayari. Dahil nasa superstar level na ngayon si Bea Alonzo tila nais umano nito na gayahin ang mga bonggang kasal ng ilang mga celebrities.


Katulad na lamang ng kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa sa pinakabonggang kasal na naganap sa pagitan ng mga celebrity couples.


Kaagad naman napatanong ang isa sa mga host ng show kay Ogie Diaz kung maging sa kasal ay nais pang makipagkompetensya si Bea Alonzo kay Marian Rivera.


Napatanong naman si Ogie Diaz kung ano ang connection nito sa pagpapakasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na alam naman ng lahat na matagal nang nangyari.


Dito na isiniwalat ni Myrna ang nasagap niyang chika mula sa tao na nagtatrabaho mismo sa loob ng GMA Network kung saan sinabi sa kanya na bago paman i-offer kay Bea Alonzo ang isang project ay dadaan muna ito kay Marian Rivera.


Kapag tinanggihan na umano ito ni Marian Rivera saka na lamang ito i-ooffer kay Bea Alonzo.


Sa kabilang banda, iginiit naman ng nasabing host na hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito dahil naitsika lamang sa kanya ito ng isang nagtatrabaho sa GMA Network.


Samantala, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang kampo nina Marian Rivera, Bea Alonzo at maging ang kampo ng GMA network patungkol sa balitang ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo