Tahanang Pinakamasaya Ire-Reformat, Magpapalit Ng Bagong Host!

Biyernes, Pebrero 23, 2024

/ by Lovely


 Hindi pa rin natatapos ang taping ng Running Man Philippines na kinunan sa South Korea subalit maaring matapos na rin umano ito ngayong linggo.


Sa isang Facebook post ni Direk Rico Gutierrez, isiniwalat niyang nasa set parin sila at napakalamig umano ngayon sa South Korea. Isiniwalat din nito na may posibilidad na magtatapos na ngayong linggo ang taping ng kanilang show..


Samantala, sa isang Zoom conference, nakausap ng ilang press people ang TV host-actress na si Glaiza De Castro inamin nito na namimiss na niya ang Pilipinas at ang pagiging host sa Tahanang Pinakamasaya, namimiss na umano niya ito dahil palagi siyang pinapadalhan ng mga video clips ng kanyang mga co-hosts.


Naibunyag rin ni Glaiza De Castro na baka hindi pa siya makakauwi dahil susunod sa South Korea ang kanyang asawa at excited na rin siyang makasama muli ito.


Ayon sa pagbabahagi ni Glaiza De Castro, masarap maglakad-lakad roon dahil malamig ang panahon. May mga namimeet rin umano silang mga Pilipino roon at nagpapapicture sa kanila.


May mga nagsasabi rin umano inaabangan na nila ang pagpapalabas ng Running Man Philippines.


Samantala, inamin naman ni Glaiza De Castro na magkakaroon ng panibagong format ang Tahanang Pinakamasaya. Hiniling niya na sana sa kanilang pagbabalik sa show ay magaganap na ang reformatting ng show.


Naging hati naman ang opinyon ng mga netizens dahil nauna na ring napapabalita na tsutsugiin na ang Tahanang Pinakamasaya dahil sa isyu ng kakulangan sa finances.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo