Tape Inc Nasa 800 Milyon Ang Utang? Tahanang Pinakamasaya Matsutsugi Na

Lunes, Pebrero 19, 2024

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang show ng TAPE Incorporated na kamakailan lamang ay nagpalit ng pangalan mula sa Eat Bulaga pinalitan nila ng Tahanang Pinakamasaya.


Ayon sa mga naglabasang mga balita ngayon, tila hindi na umano nakakabawi ng rating ang nasabing show mula nang magpalit sila ng titulo. Ayon pa sa mga usap-usapan halos umaabot na sa isang bilyon o nasa mahigit 800 milyon na ang pagkakautang ng TAPE Incorporated na siyang producer ng Tahanang Pinakamasaya.


Gayunpaman, may mga nagsasabi na ang pagkakautang na ito ng TAPE Incorporated ay nagmula pa noong nasa kanila pa ang titulong Eat Bulaga kung saan ang mga legit dabarkads pa ang mga host nito na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang dumidepensa sa mga panibagong host ng show, wala umanong kinalaman rito ang mga panibagong hosts dahil wala pa naman umano sila roon sa mga panahong nag-uumpisa nang magkakaroon ng utang ang TAPE Inc.


Sa kabila nito, may mga naglabasan pa ring mga  ulat na umano'y malapit nang ipatigil ng TAPE Incorporated ang kanilang noontime show na Tahanang Pinakamasaya dahil sa iba't-ibang dahilan.


May mga nagsasabing nakakaapekto na sa show ang mga natatanggap na pambabatikos ng ilan sa kanilang mga host. Marami na rin ang hindi nagagandahan panoorin ang show magmula noong nagbago na ang mga hosts, lalong-lalo na noong pinalitan na nila ng pamagat ang kanilang show.


Hindi naman makapaniwala ang mga avid supporters ng show dahil marami namang advertisers ang Tahanang Pinakamasaya kaya naman hindi umano kapani-paniwalang ititigil na ito.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang TAPE Incorporated patungkol sa totoong estado ng kanilang show kung may katotohanan nga ba ang mga kumakalat na mga haka-hakang hanggang sa December 2024 na lamang mapapanood ang kanilang show.


Bukod pa rito hinihintay rin ng kanilang mga tagahanga ang pagtugon ng TAPE Incorporated sa sinasabing 800 milyon na pagkakautang nila na nag-umpisa pa noong nasa puder pa nila ang TVJ at iba pang legit Dabarkads.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo