Vice Ganda Binuking Estado Ng Relasyon Nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes Sa It'S Showtime

Huwebes, Pebrero 15, 2024

/ by Lovely


 Tila iniintriga ngayon ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang lovelife ng teen actor na si Kyle Echarri.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment ng Expecially For You, tinanong ni Vice Ganda si Kyle Echarri kung ano ang gusto nito yong mabilis o mabagal na panliligaw?


Kaagad naman itong sinagot ni Kyle Echarri na nakadepende ito sa kanyang nililinagawang babae. Hindi naman nakuntento sa sagot na ito si Vice Ganda kaya naman kinulit pa niya si Kyle Echarri na kung iya ang papipiliin kung ano ang gusto niya.


Tila hindi naman naging kumportable si Kyle Echarri sa on the spot question and answer portion ni Vice Ganda, tila hindi napaghandaan ni Kyle Echarri na siya naman ang kukulitin ngayon ni Vice Ganda.


Nauutal na sagot ni Kyle Echarri ay gusto niya na sakto lang hindi mabagal hindi rin mabilisan iyong sakto lang. Dagdag pang pahayag ni Kyle Echarri na kapag mahal niya ay mahal na niya.


Hindi pa rito nagtatapos ang pag-uusap nina Vice Ganda at Kyle Echarri, muling hirit ni Vice Ganda na hindi naman lahat ng minamahal ni Kyle Echarri ay magkakagusto rin sa kanya kaagad.


May pagkakataon umano na hindi sapat ang kapogian sa panliligaw nangangailangan rin ito pag-eeffort. Ayon pa kay Vice Ganda, may pagkakataon na aabutin na lamang siya ng siyam-siyam sa paghihintay.


Hindi naman nagpatinag rito si Kyle Echarri at inilahad niyang kapag mahal mo ang isang tao, wala siyang ibang magagawa kundi ang magtiis.


Tila may alam naman si Vice Ganda sa lovelife ngayon ni Kyle Echarri kaya naman inilahad niyang hindi naman nagtiis ang aktor sa kanyang panliligaw. 


Sa kabilang banda, labis naman na naaliw ang mga madlang pipol sa naging usapan nina Vice Ganda at Kyle Echarri.


Marami naman sa mga fans nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri ang labis na kinilig dahil hinuha nilang si Andrea Brillantes ang tinutukoy ni Vice Ganda na hindi nagpahirap kay Kyle Echarri sa panliligaw.


Sa kabilang banda hindi naman maiiwasan na mayroon pa ring mga bashers ng aktres ang napapataas ang kilay at sinasabing talagang hindi papahirapan ni Andrea Brillantes si Kyle Echarri dahil ito naman umano ang gusto ng aktres.


@tiktokshop_jms Matagal o mabilis?#fyp #funnyvideos #expeciallyforyoushowtime #itsshowtime #itsshowtimeexpeciallyforyou #itsshowtime #itsshowtime #EXpeciallyforyou #showtimeexpeciallyforyou #expeciallyforyou #jamalmasidar #jamalmasidar2024 ♬ Bring Me Back (Enox Mantano Remix) - Miles Away & Miles Away VIP

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo