Naging matunog na usapin sa ilang mga social media platforms ang pagwawakas ng noontime show ng TAPE Incorporated na Tahanang Pinakamasaya, na siyang ipinalit nila sa dating pamgat na Eat Bulaga matapos itong ibigay sa TVJ.
Ang balitang ito ay hindi pormal na inanunsyo ng mga host sa nasabing show subalit ang balitang ito ay kinumpirma na ng mga staff ng TAPE Incorporated.
Bago paman nakumpirma ang pagwawakas ng Tahanang Pinakamasaya marami ang nakapansin na tila kakaiba ang closing spiels ng mga hosts ng Tahanang Pinakamasaya. Bukod pa rito, kapansin-pansin rin na tila may pinaparinggan sila sa kanilang mga spiel.
Tila ba may pangigigil umano ang mga host, bukod pa rito kapansin-pansin rin umano ang lungkot sa kanilang mga mata.
Sa kabilang banda, matapos makumpirmang magtatapos na ang noontime show, kaagad na napansin ng mga netizens na burado na rin ang mga social media pages na hawak ng TAPE Inc. kung saan makikita ang ilang mga clips ng show.
May ilang mga fans naman ng Tahanang Pinakamasaya ang dismayado sa hakbang na ito dahil tila tinago pa umano ng mga ito ang kanilang pagtatapos at hindi pormal na nagbigay ng pahayag para malinawan rin ang kanilang mga tagasubaybay.
Marami ang nagsasabi na tila hindi man lamang pinapahalagahan ng mga hosts ang kanilang mga avid supporters dahil hindi man lamang nagpasintabi ang mga ito na hindi na muli iere ng live ang kanilang show.
Pinapatunayan lamang umano nito ang unprofessionalism ng mga Jalosjos na siyang executives ng TAPE Incorporated at ng kanilang mga hosts.
Samantala, sa gitna ng mga negatibong komento na natatanggap ngayon ng Tahanang Pinakamasaya hosts at TAPE Incorporated executives marami naman ang nalulungkot at naawa sa mga staff ng Tahanang Pinakamasaya na mawawalan ng trabaho dahil sa pagtatapos ng show.
Sa kabilang banda, naglabas na rin ng update ang ina ng kambal na Legaspi na kabilang sa mga host ng Tahanang Pinakamasaya patungkol sa huling episode nito na umire noong Sabado, March 2, 2024.
Hindi rin diretsahang inamin ni Carmina Villaroel na nagtapos na ang Tahanang Pinakamasaya na kinabibilangan ng kanyang mga anak na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi subalit kaagad itong nakuha ng mga netizens dahil sa music na ginamit niya bilang background music sa mga larawan ng mga host ng Tahanang Pinakamasaya.
Hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na pormal na pahayag ang mga Jalosjos patungkol sa totoong dahilan kung bakit bigla na lamang nilang pinahinto ang airing ng Tahanang Pinakamasaya ilang buwan matapos nitong palitan ang titulo ng Eat Bulaga.
Wala rin silang inilabas na pahayag patungkol sa mangyayari sa mga staff nilang mawawalan rin ng trabaho dahil sa biglaan nilang desisyon.
Nauna rito, lumabas ang mga balitang may 800 milyong utang ang TAPE Inc. na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayarin at hindi rin umano nila nababawi ito dahil karamihan sa kanilang mga bigating advertisers ay sumama rin sa TVJ noong nagresign ang mga ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!